
Originally Posted by
Kirrei
Hello tanong ko lang po kasi yung vios 2011 nag umpisa sya ng hindi nag start sabi ng mekaniko fuel pump pinalitan ng hindi original. Ok naman sya oneclick lang sya pag start sa umaga pero pag napahinga sya ng mga 1hour yung first start nya parang naghihingalo pero sa second start kumakagat naman sya, after 3days ayaw ng mag start, ginawa ng mekaniko meron lang sya ginalaw na wire sa fuel pump nag start na sabi nya wiring nag rewire sya ng isang wire dinirekta nya sa ignition pero ganun parin after 1day lang pinatingin ko uli sa ibang mekaniko fuel pump na naman daw pinalitan nya ng ibang fuel pump malakas daw yun pang nissan nag alala ako, sa ngayon ayaw ng umandar malakas daw masyado yung fuel pump check namin bagong spark plug sunog at basa yung dating mekaniko ko sabi yung camshaft sensor daw. Lalong nasira lang kotse ko. Pls help ano kaya problema sa vios ko na dati ang ganda naman ng andar. Btw second hand ko sya nabili after 1yr lang sya nagloko. Plano ko dalhin sa casa na mapaandar lang. Nagtanong ako sa toyota 14k plus yung fuel pump nila at diagnose daw ay 2.900. Pls help po.