
Originally Posted by
CivicVTi
Nagooverheat ba tuluyan ang makina pag naka on ang aircon? As in lumalampas sa kalahati ang temp gauge? Kung umaabot ng kalahati pero hindi na tumataas, normal yun.
Kung tumaas malapit sa red zone ang temperature reading, ipacheck nyo condenser fan at fan ng radiator, baka umiikot pareho pero mahina na (isama na din sa checklist ang sending units or thermostat ng fans). Pacheck din ang compressor sa aircon specialist, baka kelangan na ma-overhaul at sobra bigat na ang load nya sa makina pag naka on ang aircon.