New and Used Car Talk Reviews Hot Cars Comparison Automotive Community

The Largest Car Forum in the Philippines

Page 1 of 2 12 LastLast
Results 1 to 10 of 12
  1. Join Date
    Aug 2010
    Posts
    154
    #1
    mga master bakit po kaya ganun may leak po dati yung radiator pero ok na, tapos yung temperature nya ok naman nasa kalagitnaan pa, naka hinto na po ako nun tapos bigla nalang may parang sumirena. ayun nag overheat na pala. bago po mangyari yun parang nag iba yung takbo ng kotse at idling nya. toyota corolla gli po pala kotse ko. ano po ba ang dapat kong i check? hindi ko po muna ginagamit sa ngayon kasi baka lalong lumala pa ang sira nya. bago nga po pala ako umalis ng araw na yun chineck ko muna ang langis, radiator, coolant, steering fluid at break fluid. yun nga lang po hataw po ako pampanga to bataan then yung gabi na may binili lang ako dun na po nang yari yun mga master. help po

  2. Join Date
    Dec 2006
    Posts
    273
    #2
    Maraming factors ang cause ng overheating. Maaring stuck up na ang thermostat (kung meron pang nakakabit), biglang wear & tear ng radiator cap, contaminated na at barado ang daluyan sa loob ng radiator, hindi gumaganang radiator fan, at marami pang iba....yung sinasabi mong nagkaroon ng leak..ito ba ay sa hose or sa raidator? Kung nagkaroon man ng crack at natapalan na, maaring nag-extend pa yung crack or nagkaroon pa ng bagong crack dahil malutong na yung plastic tank ng radiator.....

  3. Join Date
    Mar 2012
    Posts
    5
    #3
    boss try mo po pa check yung water pump baka sira na or puro kalawang,

  4. Join Date
    Oct 2002
    Posts
    40,068
    #4
    Water pump makita naman Kung sira pag naka park na at nakaparada engine Meron tumutylong tubig hinde yun Sa A/C ha...sa making nanggagaling

  5. Join Date
    Apr 2011
    Posts
    66
    #5
    Umusok ba ng puti yung tambutso mo? Naubos yung tubig pagkatapos pero alang visible leak? Pwedeng cylinder head gasket...

  6. Join Date
    Apr 2005
    Posts
    130
    #6
    May tubig pa ba nung nag overheat? Pa check mo radiator cap baka sira na Pa check mo din auxiliary fan mo baka hondi na umaandar.

  7. Join Date
    Aug 2010
    Posts
    154
    #7
    Quote Originally Posted by SEALANDER View Post
    May tubig pa ba nung nag overheat? Pa check mo radiator cap baka sira na Pa check mo din auxiliary fan mo baka hondi na umaandar.
    meron pa po naman sir!

    Quote Originally Posted by kaeru618157 View Post
    Umusok ba ng puti yung tambutso mo? Naubos yung tubig pagkatapos pero alang visible leak? Pwedeng cylinder head gasket...
    Oo sir umuusok ng puti minsan sa umaga pag bagong start.
    Quote Originally Posted by macgyver1432000 View Post
    Maraming factors ang cause ng overheating. Maaring stuck up na ang thermostat (kung meron pang nakakabit), biglang wear & tear ng radiator cap, contaminated na at barado ang daluyan sa loob ng radiator, hindi gumaganang radiator fan, at marami pang iba....yung sinasabi mong nagkaroon ng leak..ito ba ay sa hose or sa raidator? Kung nagkaroon man ng crack at natapalan na, maaring nag-extend pa yung crack or nagkaroon pa ng bagong crack dahil malutong na yung plastic tank ng radiator.....
    sa radiator po sir, hindi na po plastic yung tank ng radiator sir tanso na po. bali nagpalit na po dati ng radiator.

  8. Join Date
    Aug 2010
    Posts
    154
    #8
    maraming salamat sa mga master na nag reply. sundin ko nalang po mga sinabi nyo!
    pwede ko po ba muna ito gamitin? hindi po kaya ito lalong lumala?

  9. Join Date
    Aug 2010
    Posts
    154
    #9
    up ko lang po.

  10. Join Date
    Apr 2011
    Posts
    66
    #10
    Lahat ng sintomas na maliit sa kotse ay pwedeng lumala. Masama kasi talaga sa makina yung overheat...kanina lang may nakasabay ako ,na nagpapagawa na Civic ESi... dahil nag overheat at napabayaan, nasira yung cylinder head gasket, humalo yung coolant sa langis at nag crack yung cylinder head...gastos

Page 1 of 2 12 LastLast
over heat problem