im going to buy altis, i want to know ano ba usually ang mga freebies na kasama? para alam ko kung ano hihingin ko pag d binigay sakin, ang alam ko lng ay free tint at floor matts lng, mern p bang ibang free?
i got my altis G last saturday from toyota bicutan. i got free tint (add ako ng 1.5k para full windshield), matting, seatcover at rustproof. sabi ko bakit walang payong at keychain. sabi sakin to follow na lang daw kasi io-order pa raw nya. this is on top of the free insurance, LTO & CMF that I got. nai-negotiate ko rin yung 2 pc backup sensors. SRP is 5k, binigay na lang ng 3k. mahal pa rin compared sa labas pero at least hindi void ang warranty. meron rin palang 1/4 gas na kasama, hindi na ako binigyan ng gas card. sa vios at innova lang daw meron nun.