New and Used Car Talk Reviews Hot Cars Comparison Automotive Community

The Largest Car Forum in the Philippines

Page 1 of 2 12 LastLast
Results 1 to 10 of 16
  1. Join Date
    Apr 2008
    Posts
    105
    #1
    Isang gabi galing kami ng misis ko sa byenan ko, may naamoy nako na patay na daga. malapit kasi sa kanal kami naka park kaya kala ko may tinapon na daga dun. So nagmadali nalang kami sumakay sa sasakyan at humarurot. Wala naman amoy sa loob ng sasakyan kahit bukas aircon.

    Pero nung umuwi na kami andun pa rin ang amoy! Kaya may hinala ako na "something fishy".

    Pagbukas ko sa hood.....WAPAK! PATAY NA PUSA SA RIGHT SIDE NG ENGINE!!!

    WTF!:exclaim:

    Kaya yun pinakuha ko kay inday (she is my hero) yung pusa na medyo may konting uod na!

    At yung dugo ng pusa ay dumaloy na sa ilalim ng gulong!!!:jawdrop:

    MADAPAKA!!!!

    Sobrang sangsang ng amoy at muntik na akong masuka! :outcold:

    Nagpakuha ako ng tubig na may sabon sa timba at pinalusong ko kay inday para punasan . Ang tarantadong pusang yan sa may malapit sa electric box pa namatay kaya doble ingat na huwag mabasa.

    Napansin ko may mga wisik na dugo na natuyo sa may gilid sa loob ng kaha at ayaw na matanggal!!! Kahit anong punas ng basahang may sabon ayaw parin!!

    Dahil gumagabi na ay winisikan ko ng lysol at nilagyan ko ng uling sa tabi ng makina para sana ma-absorb yung malupit na amoy.

    Kinabukasan medyo may konting wapak parin pag binuksan ang hood. Kaso wala palang carwash na bukas para magpalinis kasi holy week at si inday day-off!!! WWAAAAAAAA!!!!!!!:mop1:

    Kaya sariling kayod!!! Hindi parin matanggal ang natuyong dugo at nilagyan ko na ng joy para matanggal ang amoy kaso may konti parin.

    Upon investigation, sabi ng kapitbahay ko na si scott (british sya), sa kabilang bahay daw yung pusa na nakita niya nung isang araw "They are trying to revive that cat and it is in pretty bad shape, maybe it looked for a warm place and went to your car and died!" Holy Mama!

    Maaring tama ang britton kong kapit bahay kasi walang sign of struggle sa loob at maayos parin ang mga wirings, buti na nalang.

    Ngayon ang poblema ko kung pano matatanggal ang amoy at yung natuyong dugo. Sana kayanin ng uling at in due time mawala yung amoy. Sabi naman sa net malamig na tubig daw katapat ng natuyong dugo sa aluminum kaya susubukan ko mamayang gabi.

    Moral of the story...always check your hood every morning before leaving baka may pusa diyan na nagpapalipas ng gabi. Lalo na kung maluwag pa sa may makina tulad ng innova.

    Isang lang ang masasabi ko PUSANG GALA!!!!:mad:

  2. Join Date
    Oct 2002
    Posts
    10,820
    #2
    hydrogen peroxide (agua oxygenada) dissolves blood and fatty residues, and it is also a disinfectant.

  3. Join Date
    Sep 2008
    Posts
    190
    #3
    Whoa that happened also to our Mitsubishi Adventure many years ago! The cat also got killed while "sleeping soundly" in the engine bay. Good thing it was easily removed and did not leave any nasty "leftovers."

  4. Join Date
    Nov 2007
    Posts
    2,442
    #4
    nangyari na din sa akin yan sa van ko natutulog sa loob ng engine bay ng van siguro puyat yung pusa pag start ko ng engine sabay apak sa gas pedal nadali ng mga fanbelt ayun patay sya ang masama na disalign ang fanbelt ng power steering ko natangal pala so tawag ako ng boy ang masama pa hindi pa lumagpak sa lupa yung patay na pusa at nasalo pa ng engine cover whoa.... kaya dalawang boy ang tinawag ko isang magtatangal ng pusa at maglilinis at isang magkakabit ng fanbelt

  5. Join Date
    Oct 2003
    Posts
    763
    #5
    wala bang pics? pm me nalang baka gory masyado

    that would be a wapak site to see.

  6. Join Date
    Nov 2005
    Posts
    7,970
    #6
    kung DIY, dapat dyan sa maluwag na lugar linisin, cover the electricals and sensitive parts at tirahin na ng degreaser or ako kerosene ang mga blood stains, para tayong SOCO nito then diswashing liquid na medyo matapang at sabay sabay nang i-engine wash.

    hwag kalimutang gumamit ng mask at gloves kasi baka masuka ka.

  7. Join Date
    Jun 2005
    Posts
    4,313
    #7
    Quote Originally Posted by Robenson View Post
    Moral of the story...always check your hood every morning before leaving baka may pusa diyan na nagpapalipas ng gabi. Lalo na kung maluwag pa sa may makina tulad ng innova.

    Isang lang ang masasabi ko PUSANG GALA!!!!:mad:

    Pag nakapark ang kotse sa garahe namin, binubuksan ko ang hood. Dahil dati ginagawang toilet ng mga daga ang engine. Nginatngat pa ang mga wiring.

  8. Join Date
    Sep 2007
    Posts
    3,358
    #8
    Happened to me 3 times already. so far puro hiwa palang naman natanggap nila and wala pang namatay. hussle!!!

  9. Join Date
    Apr 2008
    Posts
    2,254
    #9
    nangyari samin yan dati habang nasa byahe may nagmemeow sa ilalim paghinto andun yung pusa sa ilalim hehehe.. sa kwarto ko sa may aircon kaya pala ang baho may patay na daga sa loob lumabas yung daga matigas na

  10. Join Date
    Jun 2007
    Posts
    2,840
    #10
    sakin naman may resident na daga dati.

    nabusog sya sa racumin

Page 1 of 2 12 LastLast
Muning in the hood....