New and Used Car Talk Reviews Hot Cars Comparison Automotive Community

The Largest Car Forum in the Philippines

Page 1 of 3 123 LastLast
Results 1 to 10 of 23
  1. Join Date
    Feb 2012
    Posts
    42
    #1
    Magingat - Panloloko sa Chattel Mortgage Fee ng DealersS

    Gusto ko lang mag share sa inyo ng most recent experience ko tungkol sa Chattel Mortgage Fee / Charges ng mga Dealers.

    1. Kung hindi libre ang inyong Chattel Mortgage at kayo ay sinisingil ng Dealer. Sabihin ninyo sa agent na kailangan ibigay sa inyo ang original na resibo mula sa Register of Deeds. Ang resibo ay kailangna nakapangalan sa inyo at mula sa resibo ng Republic of the Philippines.

    2. Isa ito sa mga "ILLEGAL" na pinagkakakitaan ng mga dealer. Sobra sobra ang kanilang hinihingi na pambayad daw sa Chattel Mortgage. Ang katotohanan, ang Bank na ang sumasagot sa Chatterl Mortgage at kung ano man ang masingil nila sa buyer ay binubulsa na nila ito.

    3. Yung binili ko na avanza sinisingil nila ako ng PhP 27,000.00 na Chattel Mortgage. Nakipag haggle ako kaya naibabab ito sa PhP 17,000.00. After 2 Months bumalik ako sa kanila para hingin ang resibo... pero wala sila maibigay ng resibo mula sa Register of Deeds. Ang resibo na pilit na pinapakita nila ay ang down payment ko. Kasama na daw iyon. Ang sabi ko... hindi niyo pwede isama yan bilang part ng Sales Proceeds ninyo dahil.. hindi yan sale... pambayad yan sa Chattel Mortgage.

    4. Pinagpilitan ko na ilabas ang resibo... sabi ko... kung hindi ninyo maibibigay ang resibo ibalik ninyo sa akin ang PhP 17,000.00 na kinuha ninyo sa akin bilang pang bayad ko sa Chattel Mortgage. Hindi ninyo dapat ibulsa ang pera na yan dahil pang bayad yan sa Register of Deeds.

    5. Kung ano ano ang palusot na ginawa nila sa akin. Sabi ko... mag sabi na kayo ng totoo kung magkano lang talga ang ibinayad sa Register of Deeds at ibalik ninyo lang sa akin ang sobra.

    6. Sabi ko na ESTAFA o ROBBERY ang ginawa ninyo sa akin. Sabay "TANTRUMS"!!!

    IN THE END.... I got worth PhP 73,000.00 pesos deal.

    Bibili kasi yung mom ko ng 1.3G AT na Vios. Sabi ko.... ibigay ninyo sa akin ang gusto ko na deal at hindi ko na kayo pipilitin ilabas ang resibo ng Chattel Mortgage.

    I was able to get the Toyota Vios 1.3G AT for a Down payment of only PhP 75,000.00 ALL-IN (Free 1 Year Insurance with AOG / Free 3 Years LTO Registration / Free Chattel Mortgage / Free Rustproofing / Free Seat Cover / Free Car Mat / Free Back-Up Sensor / Free Tint). 60 Months to pay at PhP 14,450.00.

    Huwag po sana kayo magpapaloko sa mga Dealer kung sisingilin nila kayo ng Chattel Mortgage. Sabihin ninyo na babayaran ninyo pero ibibigay sa inyo ang resibo na mula sa Register of Deeds.. para maka sigurado kayo na yung perang kinuha nila ay hindi nila binulsa.

  2. Join Date
    May 2010
    Posts
    23
    #2
    Thank you for this info. Very informative. Mavkano kaya talaga ang chattel mortgage fee?

  3. Join Date
    Apr 2011
    Posts
    41
    #3
    Ok lang po at nakuha ninyo ang gusto ninyo pero di nyo narectify yung scam at pangongotong nila. Kailangan po na maibalik sa inyo ang sobrang ibinayad po ninyo sa chattel para magsilbing lesson sa mga tiwaling tauhan na gumawa nito para hindi na nila ulitin sa iba.makabubuti rin po na malaman ng marami kung saan ito para iwasan na nila at maging alerto kung sakaling bibili sila sa dealer na ito. Mamarapatin po ng marami na maging tama ang lahat para sa ikabubuti ng mamimili at sa pagbabago ng mga mandarayang tao.

  4. Join Date
    Feb 2012
    Posts
    42
    #4
    Quote Originally Posted by rnillas View Post
    Ok lang po at nakuha ninyo ang gusto ninyo pero di nyo narectify yung scam at pangongotong nila. Kailangan po na maibalik sa inyo ang sobrang ibinayad po ninyo sa chattel para magsilbing lesson sa mga tiwaling tauhan na gumawa nito para hindi na nila ulitin sa iba.makabubuti rin po na malaman ng marami kung saan ito para iwasan na nila at maging alerto kung sakaling bibili sila sa dealer na ito. Mamarapatin po ng marami na maging tama ang lahat para sa ikabubuti ng mamimili at sa pagbabago ng mga mandarayang tao.
    Actually, kahit ano ang gawin ko na pilit na ilabas / ipakita ang resibo ng chattel mortgage... wala talaga sila maipakita... at hindi din daw maari na maglabas ng pera ang dealer para sa refund... sinabi ko sa agent ko na mag hatihati na lang sila ng group nila sa sales para maibalik sa akin ang buo o sobra depende kung magkano ba talaga ang dapat bayaran.... pero maliit lang daw ang sweldo nila kaya hindi daw nila kaya gawin yun.
    So saan ang punta ko para ma recover ko... eh dun sa deal.. dun na nila binawas for offsetting?

    Kaya ako nag share nito para bago palang magkabilihan ng sasakyan alam na ng agent or dealer ninyo na hihingin ninyo ang resibo ng chatel mortgage na sinigil at pinbayaran sa inyo.

    In my case.... done deal na... and I am already in the recovery mode. Unlike new buyers they are on the precautionary mode.

    Hindi ko na sasabihin pa kung sino ang dealer... Halos lahat ng dealer ng kahit anong brand ginagawa ito... sa mahigit na 5 autoloan na natapos ko ni minsan hindi pa ako nakakuha ng chattel mortgage na resibo kahit binayaran ko ito together with my downpayment.

  5. Join Date
    Nov 2009
    Posts
    1,756
    #5
    Paano yung sa akin bro, sa bank ako mismo nagbayad, o yung mismong bangko ang sumingil sa chatel ko? Resibo lang din ng bangko ang binigay sa akin na naka-indicate na for chatel fee.

  6. Join Date
    Jul 2004
    Posts
    7,783
    #6
    kung avanza yan di toyota dealership yan

    ang tanong lang ay which stealership yan?


  7. Join Date
    Nov 2009
    Posts
    1,756
    #7
    Quote Originally Posted by aimphilippines View Post

    Hindi ko na sasabihin pa kung sino ang dealer... Halos lahat ng dealer ng kahit anong brand ginagawa ito... sa mahigit na 5 autoloan na natapos ko ni minsan hindi pa ako nakakuha ng chattel mortgage na resibo kahit binayaran ko ito together with my downpayment.
    Yan bro yung reply ni TS!

  8. Join Date
    Aug 2010
    Posts
    1,395
    #8
    puede kayang mag issue ng hiwalay na check na naka name sa Registry of Deeds? tapos hingi na rin ng provisional receipt which indicate na for payment of chattel mortgage.

  9. Join Date
    Apr 2011
    Posts
    41
    #9
    Quote Originally Posted by aimphilippines View Post
    Actually, kahit ano ang gawin ko na pilit na ilabas / ipakita ang resibo ng chattel mortgage... wala talaga sila maipakita... at hindi din daw maari na maglabas ng pera ang dealer para sa refund... sinabi ko sa agent ko na mag hatihati na lang sila ng group nila sa sales para maibalik sa akin ang buo o sobra depende kung magkano ba talaga ang dapat bayaran.... pero maliit lang daw ang sweldo nila kaya hindi daw nila kaya gawin yun.
    So saan ang punta ko para ma recover ko... eh dun sa deal.. dun na nila binawas for offsetting?

    Kaya ako nag share nito para bago palang magkabilihan ng sasakyan alam na ng agent or dealer ninyo na hihingin ninyo ang resibo ng chatel mortgage na sinigil at pinbayaran sa inyo.

    In my case.... done deal na... and I am already in the recovery mode. Unlike new buyers they are on the precautionary mode.

    Hindi ko na sasabihin pa kung sino ang dealer... Halos lahat ng dealer ng kahit anong brand ginagawa ito... sa mahigit na 5 autoloan na natapos ko ni minsan hindi pa ako nakakuha ng chattel mortgage na resibo kahit binayaran ko ito together with my downpayment.
    Maganda po ang sharing ninyo pero para matuwid ay kailangang sabihin kung sino at dapat ay igiit na isauli ang pera na sobrang ibinayad, mamimihasa po na gawin uli sa iba ito...kaya nga po kailangan ang daang matuwid dahil kung saan magsisimula ang katuwiran kung magsasa walang kibo na lang tayo. Di po ba mas maganda kung sa inyo magsimula upang dumami ang makinabang. Salamat po.

  10. Join Date
    Aug 2004
    Posts
    1,539
    #10
    Hi TS! I would just like to ask you a few questions. Is your transaction with the Avanza in-house financing? if yes, from what bank?
    any way.. I would just like to clarify things with this Chattel Mortgage issue. First off, dealerships don't earn from it, because ALL of it goes to the bank. It is the same bank (that approved your loan) that should be issuing you the receipt.
    Regarding the cost of the CMO, I don't know with the other dealers but here in Global City we have a fixed computation for the Chattel Mortgage fee that is based on your Monthly amortization.

    The all-in that they gave you, is actually a pretty good deal. If it weren't for that back-up sensor (if its genuine) its just a typical all-in. I can even get you a lower DP than that

Page 1 of 3 123 LastLast

Tags for this Thread

Magingat - Panloloko sa Chattel Mortgage Fee ng Dealers