meron na rin yung 7K na carb type nga lang at bihira pa pero EFI wala pa akong narinig.
kung yung hanap mo na makina ng revo ay EFI na 7K sa revo medyo malakas yan sa gasolina lalo na kung punuan ang revo kasi malaki ang at medyo may kabigatan din ang revo pero kung ilalagay mo sa corolla DX mo yan aba medyo matipid yan at tutulin pa yang DX mo.
isipin mo kung ang revo ay hinahatak nya kahit punuan pa ito mabilis pa rin gamit ang 7k EFI na makina eh ano pa kaya kung sa corolla DX mo yan ilagay ang ganyang makina saka di lang yan salpak na salpak yan sa DX mo.
ako minsan kasi hind rin gaanong naniniwala kasi pag maliit ang displacement ng makina mo ay matipid sa gasolina kasi naranasan ko yan nung naglalabas ako ng FX sa kamag-anak ko at ang makina pa ng FX na yun ay 5K nung una medyo matipid kasi wala akong gaanong pasahero nun pero nung naging madalas na ang punuan sa FX nako napapansin ko araw-araw medyo malaki ang gastos ko sa pagpapakarga ng gasolina bago ko i-garahe yun.
nung lumabas na ang FX na 7K sinabi ko nun nako baka malakas sa gasolina ito, pero nung palagi ako punuan nun napansin ko tuwing magpapakarga ako ng gasolina bago igarahe ay medyo nakatipid ako sa pagpapakarga ko ng gasolina at medyo nadagdagan pa ang kita ko sa araw araw kong pag-biyahe.
ngayon na realize ko kapag under power ang makina mo lalo na kung hindi naman match ang makina mo kinalalagyan nyang sasakyan ay malakas dito sa gas.





Reply With Quote
