August 13, 2016 - Pinasok ang hilux namin sa Toyota Pasong Tamo for body works dahil nabangga ang fender.
The next week approved na sa insurance at sabi sa casa ginagawa na raw nila.
After a week only this August 27, 2016 binisita ng asawa ko at anak ko sa Toyota Pasong Tamo para alamin kung ano na lagay ng Hilux namin. Hay naku po kung pano sya dinala ganun parin at puro alikabok ang unit halatang hindi man lang nagalaw.
Ang dahilan ng Casa hindi daw sa kanila binili ang unit kaya di nila ginagawa. Sana bago nila accept un unit sinabi na nila agad para hindi natulog ang hilux namin sa kanila ng 2 weeks at wla din palang mangyayari.
Anong klaseng katwiran kaya iyon porke sa Toyota Fairview namin nakuha ang unit eh ayaw gawin ng Toyota Pasong Tamo kahit approved naman na ng insurance. Sana talaga sinabi nalang nila para sa Fairview nalang namin dinala. Akala ko ba ang Toyota ay full support sa mga customer nya? Ilang unit na nakuha ng family namin na toyota pero itong Pasong Tamo ang pinaka worst ata. 2 unit ng avanza, 1 unit ng Innova, 1 hilux at nagbabalak pa uli ng 1 hilux kuya ko at 1 fortuner naman ang kaibigan ko pero parang sasabihan ko sila na sa iwasan na nila ang Pasong Tamo dealer.
![]()






Reply With Quote

