Guys salamat ng marami sa inputs ninyo..
Bumili na lang ako ng original denso. Nakuha ko ng 2850! Nabili ko sa Authorize denso shop sa tapat ng Mitsubishi Cars along EDSA (southbound) sa may Balintawak.May signage na DENSO.
Highly recommended itong shop na to, kasi among the denso authorize shops in Metro manila, proven na isa ito sa may pinakamurang mga parts like drier, expansion valve, compressors, etc. Medyo familiar din kasi ako sa mga price ng aircon parts dahil kakatapos ko lang bumili ng Original denso expansion valve at drier for a major aircon cleaning ng vios ko.
Buti na lang di ako kumagat dun sa isang
Denso Authorize service center sa loob ng Auto House sa Pasig. Imagine prinesyohan ako ng 8500 dun! Last price daw ay 8200. Klaro yung usapan namin na price yun ng Fan Motor lang, meaning aware siya na di kasama housing and Blade..
Be careful guys sa pagbili natin ng piyesa. Mas maganda mag-canvas muna tayo maiigi.
About dun sa fan motor na pinalitan, talagang palitin na din. Wasted na yung armature at carbon brush. Hindi pala sealed ang motor dahil binuksan (easily) ng mekaniko.Talagang napaka dumi, sabi nga ng mekaniko dapat yearly nililinis din yung loob ng motor para mas tumatagal ang fan motor..
Ayos na uli si Vios ko. Wala ng Overheat. Lamig na din AIRCON..
