Results 1 to 7 of 7
-
Verified Tsikot Member
- Join Date
- Oct 2009
- Posts
- 16
October 9th, 2009 12:17 PM #1I need an advice po mga sir. Nabaha po yung 94GLi ko nung bagyong ondoy. Though napaandar na yung kotse pero di pa na test drive, napansin namin na parang may tubig na halo yung Power steering fluid kasi nag iba ang kulay. Ang napalitan lang ata kasi sa kotse ay engine oil, oil filter, gas, air filter.
Paano po ba mag drain nun pati na din transmission fluid? Saka anong magandang brand ang gamitin?
Bago lang po kasi na nagka kotse, actually kakabili lang namin nito a week bago bumaha tapos minalas agad...
Thanks!
-
Verified Tsikot Member
- Join Date
- Oct 2006
- Posts
- 29
October 9th, 2009 03:32 PM #2Bro, ano transmission mo? automatic ba? sa akin pang 3rd oil change ko na since nabaha, meron pa din konting traces ng tubig (though smooth na ang takbo)..gamit ka lang ng ATF na nabibili sa mga gas stations (Petron ko binili sa akin) .. ..need ko pa siguro 2 oil changes...mine is A/T
For power steering, i think need mo dalhin sa shop yan para mableed off lang fluid..then palitan lang ng bago...
-
October 9th, 2009 04:30 PM #3
Dalin mo na lang sa shell service station . Shell dextron 111 ATF fluid para malinis din pati iyong filter sa loob kung Automatic transmision gamit mo . Kung manual transmission naman may drain plug ito sa ilalim ng transmision . at lagayan ng gear oil sa gilid. Kung manual transmission Red line magandang brand.
-
Verified Tsikot Member
- Join Date
- Oct 2009
- Posts
- 16
October 9th, 2009 05:38 PM #4Salamat sa reply mga sir. Manual po yung kotse namin. tingin ko din kelangan pa ng change oil ulit kasi parang may konting tubig pa din. Though di pa na tetest drive ng matagalan talaga na check lang kung ok ang break saka clutch. di pa mailabas natatakot kasi ako baka masira transmission/power steering kung dadalhin ko sa shop lalong lumaki sira. Plano ko sana mapalitan muna fluids tapos saka ko ipapa tingin ulit.
thanks ulit!
-
Verified Tsikot Member
- Join Date
- Oct 2009
- Posts
- 16
October 12th, 2009 10:42 AM #5Mga sir salamat sa replies. Kahapon nagpalit kami ng gear oil ginamit namin thuban gl4 sae90 nabili sa caltex, 3liters pang flush tapos 3 liters ulit yung nilagay namin pagkatapos linisin. Tama hinala namin may tubig nga sa transmission.
Dun naman sa power steering, nag bleed kami tapos hugas ulit ng power steering fluid bago naglagay ng bago ulit.
Pinalitan namin ng power steering fluid kasi ang nilalagay pala ng previous owner eh ATF, sabi ng mechanic makakasira daw ATF kasi magka iba ang vicousity ng fluid.
-
October 12th, 2009 12:02 PM #6
-
Verified Tsikot Member
- Join Date
- Mar 2009
- Posts
- 25
October 22nd, 2009 02:53 PM #7hi tanatej,
actually di lang isang mechanic din ang nagsabi sa akin na power steering fluid ang ilagay ko instead of ATF. Naisip ko tama nga naman bakit ka maglalagay ng ATF kung power steering ang lalagyan mo?
Madami din forums na nagsasabi na halos magkapareho ang dalawang fluid so pwede ngang gamitin ang ATF. Pero kung pwede naman power steering fluid ang ilagay bakit hindi diba?
baka naman yung nakalagay sa manual eh pwedeng gamiting ang ATF kung hindi available ang power steering fluid?
Choice I would have made as well.:nod:
2024 Innova Zenix 2.0 V CVT (non-HEV) vs Innova...