hello fellow tsikot members, itatanong ko lang sa inyo san ba banda ng makina ng corolla small body makikita yun IACV or idle air control valve? medyo nalilito kasi ako makita yun part na iyon. balak ko sana DIY cleaning siya. nagkakaproblema kasi ako sa ae92 ko, once start ko yun aircon nya biglang flactuate yun rpm tapos parang hindi nag aautomatic yun aircon ko. the whole time na nagdridrive ako hindi ko napansin na tumaas or bumababa ang rpm, meaning parang hindi nagaautomatic sya. sabi nila baka marumi lang ang IACV.. sana matulungan nyo ako, much better po kung may picture na mapost tayo dito para sa iba rin na kasamahan natin. salamat po.