hi mga boss,

bumili po ako ng toyota avanza j last july 5 2012,ok naman po ang takbo ng kotse wala naman problema. yun nga lang may napansin ako sa kanya kapag bago ko i-start yun makina..bale yun susi ko nasa accessories palang kung saan mo nakikita lahat icons sa gauge may napansin po akong tunog na parang may motor na gumagalaw sa likod ng kotse ng mga 2 segundo lang naman tapos nawawala din at di ko na din po naririnig habang minamaneho ko po. ang tanong ko lang po kung normal lang ba yun tunog na naririnig ko bago ko ma-start yun makina? malayo kse sa akin yun toyotang pinag kuhanan ko baka kse normal lang yun tunog na yun para save po sa gas. salamat po sana maliwanagan nyo po ako dito.