mga pre based on your experiences sa warranty, san best na casa mag claim? kasi sa toyota cubao (dealer ko) palage walang stock kung anu i claim sa warranty, aantayin mo pa kung kelan deliver ng planta sa kanila tapos chaka ka pa i sched, ka badtrip.
ipa warranty ko kasi headlights and foglights ng innova G ko. one time kasi nakita ko may moist sa gilid after an evening drive with rain, (matagal na yun, siguro mga 6 months na nakakalipas) pero di na nangyari ulit, ngayon ko lang kasi balak i claim warranty. sinabi ko sa toyota, sabi naman nila is picturan ko daw then ipakita sa kanila ang pic to claim the warranty kasi nung PMS ko ayaw mag moist kasi makulimlim at daytime so di naman need bukasan ang headlight. so ang sabi papalitan daw ang headlight and foglights ko ng bago pag napakitaan ko na ng picture.
madalas po i-order pa parts sa planta pag under warranty...
kahit sa mga collision damaged parts eh order pa rin sila ng sa planta lalo na pag malaki yung pyesa..
maliit lang kasi stock room ng mga casa, pero computerized naman sila and alam nila kung meron stock sa planta..
sa mga warranty claims ko sa balintawak and makati, lahat ni-order sa planta (laguna) po...
pag wala sa planta, kukuha sila overseas (e.g. japan, thailand, indonesia)