New and Used Car Talk Reviews Hot Cars Comparison Automotive Community

The Largest Car Forum in the Philippines

Results 1 to 11 of 11

Hybrid View

Previous Post Previous Post   Next Post Next Post
  1. Join Date
    Apr 2010
    Posts
    4
    #1
    Ive been experiencing this for a long time.. Hindi mahanap ng mga mekaniko ang prob share naman kayo mga paps kung na experience nyo na to at ano ang ginawa nyo?. Pag naka AC ako pag tirik ang araw mga 20 to 30 mins nag start na tumaas ang temp ko pero pag pinatay ko bumababa cya. ive done all this thing: Change Rad change aux fan,water pump, tangal ng thermostat problem is still there. Hope you can help me. Thanks Guys!

  2. Join Date
    Nov 2009
    Posts
    456
    #2
    Nagooverheat ba tuluyan ang makina pag naka on ang aircon? As in lumalampas sa kalahati ang temp gauge? Kung umaabot ng kalahati pero hindi na tumataas, normal yun.

    Kung tumaas malapit sa red zone ang temperature reading, ipacheck nyo condenser fan at fan ng radiator, baka umiikot pareho pero mahina na (isama na din sa checklist ang sending units or thermostat ng fans). Pacheck din ang compressor sa aircon specialist, baka kelangan na ma-overhaul at sobra bigat na ang load nya sa makina pag naka on ang aircon.

  3. Join Date
    Mar 2008
    Posts
    54,627
    #3
    have you checked the relays for the aux fans? and btw, when you changed the parts above, did you replace them with new items or surplus?

  4. Join Date
    Mar 2010
    Posts
    259
    #4
    Quote Originally Posted by CivicVTi View Post
    Nagooverheat ba tuluyan ang makina pag naka on ang aircon? As in lumalampas sa kalahati ang temp gauge? Kung umaabot ng kalahati pero hindi na tumataas, normal yun.

    Kung tumaas malapit sa red zone ang temperature reading, ipacheck nyo condenser fan at fan ng radiator, baka umiikot pareho pero mahina na (isama na din sa checklist ang sending units or thermostat ng fans). Pacheck din ang compressor sa aircon specialist, baka kelangan na ma-overhaul at sobra bigat na ang load nya sa makina pag naka on ang aircon.
    +1 ako kay civicvti
    pacheck mo mga aux fan mo baka mahina ikot pwede rin baligtad ikot ng fan dapat ang hangin ng fan papunta sa makina hindi sa radiator pacheck mo sa mekaniko yun..

    check din ang compressor ng aircon baka sobra na bigat ng load

  5. Join Date
    Mar 2010
    Posts
    259
    #5
    Quote Originally Posted by jojie26 View Post
    Ive been experiencing this for a long time.. Hindi mahanap ng mga mekaniko ang prob share naman kayo mga paps kung na experience nyo na to at ano ang ginawa nyo?. Pag naka AC ako pag tirik ang araw mga 20 to 30 mins nag start na tumaas ang temp ko pero pag pinatay ko bumababa cya. ive done all this thing: Change Rad change aux fan,water pump, tangal ng thermostat problem is still there. Hope you can help me. Thanks Guys!
    nauubos ba tubig radiator mo pag nag ooverheat ka?check mo kung lumalabas din ang tubig ng radiator mo kung tumataas ang temperature kung may bumubula palabas na tubig from radiator may prob na cylinder head
    Last edited by adapilado; April 10th, 2010 at 09:43 PM. Reason: may mali

  6. Join Date
    Apr 2010
    Posts
    4
    #6
    Mga paps nag changed na rin ako ng brand new na compressor Sanden na TRS but the prob still exist. Ano connection ng condenser sa overheat pare? pag pinatay naman ang AC bumababa sya sa normal temp. pero pag gabi kahit naka ac wala naman. Thanks sa replies.

  7. Join Date
    Apr 2010
    Posts
    4
    #7
    And then hindi rin sa gasket kasi hindi naman bumubulwak ang water pag ni rev ko ang engine. Thanks

  8. Join Date
    Mar 2008
    Posts
    54,627
    #8
    Quote Originally Posted by jojie26 View Post
    Mga paps nag changed na rin ako ng brand new na compressor Sanden na TRS but the prob still exist. Ano connection ng condenser sa overheat pare? pag pinatay naman ang AC bumababa sya sa normal temp. pero pag gabi kahit naka ac wala naman. Thanks sa replies.
    walang physical connection ang aircon sa radiator. nguni at, datapwat at sapagkat... ang heat exchanger (yung mukhang radiator sa harap ng radiator; condenser yata ang tawag dun) ay umi-init kapag naka-aircon ka. yung init nun ay napupunta sa radiator sa likod niya. kaya, nadadagdagan ang init na dapat itapon ng radiator. kaya, kung hindi efficient yung mga aux fans or radiator, ay talagang iinit ang makina.

  9. Join Date
    Nov 2009
    Posts
    456
    #9
    Add ko din na pag mahina ang airflow sa condenser, magha-high pressure ang aircon system. Pag nag high pressure, hirap ang compressor umikot kaya nagpapabigat sya sa load ng makina. Kelangan maganda condition ng parehong fan sa radiator at sa condenser. Dapat din na malinis ang condenser mismo, baka barado na sya sa namumuong alikabok, dahon, etc.

  10. Join Date
    Apr 2010
    Posts
    2
    #10
    Hi hello, I'm new here. Since you said you Change Radiator, change aux fan, water pump, and tangal ng thermostat. Have you change the thermostat sensor or engine coolant(water) temperature sensor and also the thermostat... Because we have the same problem we just change the sensor and thermostat. Hope it will help

Overheat 94 Corolla XE HELP!