Salamat sa mga guards ng SM North Edsa!

Nanoond ako ng Tron kagabi sa SM North. Naiwan kong bukas bintana ng oto sa parking. Pagbalik ko, tiningnan ko ng maigi kung may mga nawala. Mabuti at wala naman.

Nung paalis na ako, nilapitan ako ng guard at tinanong kung may nawawala daw. Sabi ko wala naman. At salamat. Tumambay pala yung guard dun sa malapit sa oto ko para bantayan.

Salamat manong guard! Sana dumami pa ang lahi mo!

robot.sonic

PS: Di ko man lang naabutan ng konti kasi puro buo ang pera ko.