[SIZE=2]I think this deserve a thread here in 'Thumbs Up Headquarters' despite the loss what he got from the politics.[/SIZE]
[SIZE=2]
[/SIZE]
[SIZE=2]Tinanghal na "Fighter of the Year" si Manny Pacquiao ng Boxing Writers Association sa New York samantalang pinarangalan din si Freddie Roach bilang “Coach of the Year.”[/SIZE]
[SIZE=2]
[/SIZE]
[SIZE=2]Nagtipon ang boxing community sa Copa Cobana Club sa New York para sa Boxing Writers Association awards night na 82 taon ng tinatanghal.[/SIZE]
[SIZE=2]Elegante at bongga ang saluhan. Unang binigyan ng award bilang coach of the year ang trainer ni Pacquiao na si Roach. Si Roach ang trainer ni Pacquiao sa tatlong malaking panalo ni Pacman noong 2006.[/SIZE]
[SIZE=2]
[/SIZE]
[SIZE=2]Dumating si Pacquiao sa gabi ng parangal kasama ang asawa na si Jinkee at dahil sa dalawang matutunog na tagumpay kay Erik Morales at isa kay Oscar Larios halos unanimous ang pagpili kay Pacman bilang fighter of the year para sa 2006.[/SIZE]
[SIZE=2]
[/SIZE]
[SIZE=2]Si Pacquiao ang kauna-unahang Filipino at taga-Asya na napili para sa prestihiyosong award.[/SIZE]
[SIZE=2]
[/SIZE]
[SIZE=2]Ang ibang nakatanggap ng award na ito ay sina Muhammad Ali, Sugar Ray Leonard at Joe Lewis.[/SIZE]
[SIZE=2]
[/SIZE]
[SIZE=2]Proud ang Filipino na mabilang sa grupo ng pinakadakilang mga boksingero sa mundo.[/SIZE]
[SIZE=2]SOURCE[/SIZE]
more stories at PhilBoxing.com
[SIZE=2]
[/SIZE]



Reply With Quote
