If may ABS-EBD na nga ang J edi contender nga para sayo ang J. Alam kong matibay ang Innova pero consider mo din ang turbo. After 5 years and up pwedeng bumigay ang turbo mo, though madami akong alam na innova na 8 years pataas ok pa din stock turbo nila. I think pwede pa nga tumagal ng 10 years yun. In the event na bumigay nga turbo mo pagkamahal ng replacement nun kahit second hand.
Again, I am not saying na ampaw turbo ng innova ha. Alam ko matibay yun. So CHECK mo ng maigi sa SA mo sa Toyota kung may ABS-EBD nga yung J. Kasi if that is the case, contender ang J ng Innova (Pero mag pa gas ka sa unioil para euro IV diesel which is good for CRDI).
Also, bare to the bones ang J. It is the little things sometimes that pisses us off.
Ang Ertiga naman ay N/A. So unless masira mo ang alternator, makina, entire fuel system, ECU, etc hindi ka gagastos dapat ng malaki dun. Also, may kasabihan na less moving parts = less parts to break. Simple lang din.
Re: parts ng Ertiga it shares some of its parts with APV and Swift. So, no worries kana agad dun kasi madami nang APV sa kalsada at swift. As a matter of fact, lahat ata ng QC Barangay may isang APV.
Re: thin metal
Ask the members about it. Kasi alam ko hindi siya sobrang nipis to the point na madaling makupi pag nadiinan. Re: banga, lahat naman masisira pag nabanga eh.
Ertiga vs Innova J
For the price of the J pwede mo nang kunin ang GL variant or baka pwede pa GLX, daming amenities nun na wala sa J. Again, it is the little things that gives us pleasure or stress.