WARNING lang po mga ka-ertiga...
if you are thinking of having transaction with
KONZ BODY KITS makati.. just think twice dahil hindi po siya magandang kausap.
kahapon bumili ako ng RAIN VISOR, meet up kami sa MOA dahil hindi ko kabisado ang makati at taga cavite ako..
so abot lang ni MARK ung item tapos abot ko pera, wala ng check check ng item kasi hindi cia pumasok ng parking lot, nasa gilid lang cia ng kalsada.. at balot na balot ng packaging tape ung item kaya hindi basta basta ma open.
then today nung kinakabit ko na yung rain visor, nakita ko may
BASAG ung isa. naka ilang tawag ako kanina umaga hindi siya sumasagot. nag message ako sa fb at nung nabasa niya saka lang siya nag call back. pinasend sakin ung picture at ginawa ko nman. Pero wala pala siyang balak na palitan ng bago ung item. reremedyohan lang daw. pambihira nagbayad ako para sa bagong visor tapos binigyan ako ng sira. siya pa ang naninisi na ako daw ang nakasira.
At isa pa po, ang ayos niya kausap nung bibili palang ako, usapan 1600 tapos nung nagkita na kami nagpadagdag ng 100 pero sabi ko naman madali ako kausap kaya binigay ko agad.
