Tanong lang po. Nagparotate kasi ako ng gulong, tapos hindi nahigpitan yun pagkakabit sa likod. Kasi di ba hihigpitan naman yun kapag nababa na yun sasakyan, ang ginawa lang eh nun nakataas pa sasakyan kamay lang ang ginamit sa pagkakabit nun mga knobs.
Nabyahe na yun sasakyan from fort bonifacio to Tondo, from tondo to Mamplasan Exit sa Slex tapos bumalik sa tondo at balik ulit Mamplasan. Medyo makalog nga daw yun sasakyan habang drinadrive at binubusinahan sya nun mga nasa likod nya palagi. Late na tumuwag yun gumawa na hindi nga nahigpitan.
Mabuti na lang at hindi natanggal yun gulong habang nagdridrive. Ano po kaya pwedeng mga nasira dun sasakyan para macheck ko na rin?


Reply With Quote

