Guys tanong ko lang, meron po kasing incident sa brand new honda civic 1.8 ng friend ko. Ginamit nya yung car and after 15 minutes of driving, nag-alert yung dashboard. Then she found out na yung dalawang gulong nya sa rear, umuusok yung brakes. DInala nya sa CASA since under warranty pa, hindi makita ng mga mekaniko yung reason kung bakit umusok yung brakes sa likod. Hindi rin sya nag-hard brake, yung normal lang. Ano po kaya ang reason? Any theories?