Car's a Sentra N16. Ano kaya posibleng pinagmumulan nito? Attempt to solve so far:
-Check stab link (ok pa)
-Replace shock absorbers (bump stops have failed)
-Replace wheel bearings
-Replace rack end
The most recent being the rack end. Basically pag nagmamaniobra ako at may lubak, paakyat, or pababa kumakatok. Kahit gaano kababaw ng lubak, ramp, or hump, kumakatok. Minsan kahit pino yung daan at may onting hump lang kumakatok na siya. Mas common rin siyang kumakatok kapag sumaktong nagmamaniobra ako at may hump or lubak na madadaanan yung mga gulong habang minamaniobra ko.
Medyo tight na yung budget sa pagawa so the more accurate it can be pin-pointed the better. Ang hirap kasi sa ibang shops ngayon (especially dealership nitong sasakyan) sasabihin ito sira, then pagkabit nandoon pa rin pero di na papatanggal yung pinalitan nila kasi sasabihin sa'yo na pabigay na rin so okay na rin na pinalitan (na minsan naman di pala). Manganganak lang yung issue kumbaga.




Reply With Quote
