New and Used Car Talk Reviews Hot Cars Comparison Automotive Community

The Largest Car Forum in the Philippines

Page 1 of 2 12 LastLast
Results 1 to 10 of 19
  1. Join Date
    Sep 2007
    Posts
    110
    #1
    good day fellow tsikoteer,

    i had this problem since last year pa po. i'm from davao po pala. my ride is ek civic converted from japan. last year, i experienced "tokotok" sound whenever i steer either from the left or right. lumalabas lang ang tunog kapag matagal nang tumatakbo. pero pag cold start wala talagang tokotok sound. lumalakas sya lalo na kung mainit ang panahon or tanghaling tapat ko ginagamit. pag malayo byahe ko ang lakas sobra ng sound parang kumakalam na sikmura ganun po talaga ang sound na maririnig mo sa loob ng cabin. ang brand ng rack and pinion assy na nilagay sa akin is orig lhd na koyo ang brand. walang leak or hard steering, tokotok sound lang po talaga ang complain ko which is very annoying while im driving. rinig talaga ang sound sa loob ng cabin. natatakot nga ako baka may bumigay.

    when i had it checked sa shop last year, sabi nila sira na daw ang rack and pinion assy ko. i decided to replace na lang ng surplus din. the shop recommended toyo brand kasi matibay daw yun. nung napalitan na, kala ko ok na. ganun pa rin po nung tinest drive ko ang car. after how many kilometers at mainit na ang engine lumabas na naman ang tokotok sound. until now gamit ko pa rin sya. nagalit ako sa shop kasi di nila na solve ang problem at sayang ang ginastos ko pati ang old rack and pinion assy ko sayang din. i trusted them kasi sila ang may alam yun pala palpak din ang gawa nila. di ko na lang pinagawa ulit kasi wala na akong tiwala sa kanila. gumastos pa ulit ako sa wheel alignment kasi nawala sa alignment after pinalitan ng assy.

    tanong ko lang po? ano kaya ang prob ng steering mech ko? kasi pinalitan na at lahat ganun pa din. di po ba sa ps pump ang prob? di kaya sira din ang pinalit ko na assy? kung ano ano na ang naisip ko na prob. hope matulungan nyo po ako mga gurus. tia

  2. Join Date
    Jan 2008
    Posts
    4,726
    #2
    baka yung steering wheel crossjoints ang tumutunog.. have you checked your power steering pump?? please describe the sound more accurate kasi sabi mo malakas na "toktok" tapos parang kumakalam na sikmura pala ang tunog.. eh ang laking sikmura nun pag toktok ang tunog.. para bang nag vibrate yung tunog nya when turning the steering wheel or may lagutok ang tunog?? yung bang sound na nadidinig mo is when turning wither left or right while the vehicle is in motion or kahit naka stop eh may tunog pa din?? kasi kung while in motion lang possible na CV joints yung tumutunog

  3. Join Date
    Feb 2008
    Posts
    5,179
    #3
    sir hindi kaya stab link lang yan? usually kasi yun ang symptom ng damaged stab link or pwede rin yung upper ball joint assembly.

    nababawasan ba kayo ng PS oil?

  4. Join Date
    Sep 2007
    Posts
    110
    #4
    *yapoy86-- thanks po sa reply. sir kapag sobrang tagal na ng takbo saka talaga lumalakas ang sound as i describe it na parang kumakalam na sikmura at hindi na po sya tokotok sound lang. yung pong tokotok sound kapag nag-uumpisa pa lang na uminit ang makina lets say nasa 5kms na ang takbo ko. kasi kapag from cold start ang swabe ala talagang tunog na maririnig. hindi po yata sa CV joint kasi pincheck ko na ok lang naman daw. and to be sure na rin pina repack ko ang 2 CV joint ko. kasi kapag CV joint daw po pag full turn talaga meron lumalagotok. eto is when you steer to your right or left maririnig mo ang tokotok pero as you go on a full turn wala po sya. eto naman yung pag umpisa lang pong kabigin saka sya may tunog. rinig nyo po ito lalo na kung traffic kasi mabagal takbo ko tas kung halimbawa i maneuver ko either from left or right. kakahiya talaga lalo na pag chicks ang sakay. ginagawa ko nilalakasan ko na lang ang sounds..hehe.. atsaka may tunog po sya either when in motion or not kapag mainit lang po yung makina. mas mabilis po lumakas ang tunog nya kung mainit ang panahon or tanghaling tapat nyo ginagamit. pero kapag gabi or umuulan hindi po sya lumalagutok kung meron man mahina lang po sya. parang pong may kinalaman ang heat sa lagutok.. yung po kasi na observe ko.
    ipininachek ko po sa goodyear servitek megawheels shop dito sa davao, they wiggle the wheel at natrace nila na sa loob po mismo ng rack and pinion nang gagaling ang tunog. overhaul daw po or change a surplus rack and pinion assy. i was doubtful kasi baka kung palitan ko ganun na naman ang prob. kasi napalitan nato last sept 2007 ng surplus rack and pinion assy toyoda brand. nasayang lang money ko kasi ganun pa rin ang prob hindi na solve.

    ano po ba symptoms ng damage steering pump? di naman po maganit ang steering ko.

    forgot to say po --- additional observation na napansin ko :
    1) kung hindi rin po pantay ang kalsada na dinadaanan ko lalo na kung traffic at mabagal ang takbo nag titriger rin yung lagutok.
    2) at halimbawa from motion tapos ipinark ko po saglit sa hindi pantay na kalsada tapos ginamit nyo po ulit lumalakas na ang tunog na parang kumakalam na sikmura. pero kapag pinark nyo ng matagal at malamig na ang makina wala na ang tunog kahit nakapark pa sa di pantay na kalsada.
    3) humihina ang lagotok sound kapag paakyat ang dadaanan ko. halimbawa po sa mall kasi masyadong uphill ang parking lot from ground floor hanggang 4th floor ang parking lot.


    *archie123456789-- thanks sa reply. nung pinacheck ko po sa servitek megawheels shop dito sa davao ok naman daw mga ball joint assy. ang rack end wala pang play kasi bagong palit din yung rack end pinion assy ko ko last sept 2007 lang. yung due lang for replacement is yung rear trailing arm bushing.

  5. Join Date
    Nov 2006
    Posts
    299
    #5
    d15b taga asa ka sa davao,taga matina ko.anyway bago ka pumunta sa kung saan saang shop dyan gawin mo muna ito,since your car is fwd.

    pagkagaling mo sa long distance drive at habang mainit pa ang kotse mo.turn the engine off.
    ilift mo yung front,magjack ka sa may body side wag sa suspension.block ang rear wheel.iapply ang e brake.itaas ang front wheel hanggan dumistansya ng 1 to 2 inches from the ground,be sure nobody is infront of your car.if your car is automatic,apply the brake,start the engine and let it idle,shift it to drive and slowly release the brake.if manual,apply clutch pedal,start the engine,shift it to 1st gear and slowly release the clutch pedal. turn the steering wheel left or right slowly while anybody tracing the tok sound.iduplicate mo kung saan.kung wala kang maririnig na tok sound,malamang ang rack and pinion mo is ok at kung may tok sound man sya madali mo na lang ito maduplicate kung saan at dalawa lang ang possible na nagcreate ng tok sound dito.most possible cause ay outer cv joint and 50/50 sa raqck and pinion,pero sabi mo kapapalit mo lang nito at isa pa pag ang rack and pinion ang nagcreate ng ingay ay tuloy tuloy yan mula pa sa malamig hanggang uminit.

    sabi mo naicheck na yung cv joint ng kotse mo,pero tinanggal ba nila at binuksan ang mga boot nito?kasi ang ang bearing ng cv joint ay di mo malalaman kung itoy damage hanggat di mo binuksan at ininspection.

    tungkol naman sa kumakalam na sikmura.marahil contaminated ng air ang fluid or possible fluid pump.ibat ibang uirng ingay ang maririnig mo sa system na iyan,maaring growl,hawl,whine or grind at ang bawat ingay na ito ay nagrepresenta sa bawat problema ng steering system,kay pakinggan mong mabuti kung alin dito.

  6. Join Date
    Sep 2007
    Posts
    110
    #6
    *dennis powell--- thanks sir sa reply. sa wakas meron pala akong kababayan. taga bngkal ko sir. wer po kayo banda sa matina. sana sir eb tayo para mapakita ko po sa inyo ang prob personally. ang cv joint po nung pinarepack ko tinanggal talaga nila. nakita nila na ok pa ang mga bearing. hinugasan nila ng gasolin at saka nirepack ng grease. at dun po sa suggestion ninyo na i angat ang front, ginawa na ng megawheels yun, sa ecoland branch. na trace nila na sa loob ng rack end galing ang tunog. pinatong nila ang car dun kung saan sila nag aalign. yung may bilog na pinapatong ang car for wheel alignment. they wiggled it left and right and the other mechanic traced it dun sa loob ng steering assy galing ang tunog. hinigpitan lang nila ang rack end at sabi kung may tunog pa rin, either overhaul na or palit ng steering assy. ang suspect ko ngayon is yung steering pump.

  7. Join Date
    Nov 2006
    Posts
    299
    #7
    taga seaside subd.matina aplaya ko nagpuyo,sana kita kita tayo kaya lang wala ako dyan ngayon at baka sa december pa uwi ko.

    tungkol sa problema mo,naayos na ba?

  8. Join Date
    Jan 2008
    Posts
    341
    #8
    D15B,

    may tunog din sa steering ko, ang naririnig mo ba ay parang pinto ng bahay na maingay pag kulang sa lubrication yung hinges? naririnig ko yung ingay pag iniikot yung manibela, naka idle man o umaandar.

    nag start ito nung pinalitan yung worn out kong bushing ng power steering clamp.
    Last edited by enzo18; May 3rd, 2008 at 02:27 PM.

  9. Join Date
    Aug 2006
    Posts
    381
    #9
    Quote Originally Posted by enzo18 View Post
    D15B,

    may tunog din sa steering ko, ang naririnig mo ba ay parang pinto ng bahay na maingay pag kulang sa lubrication yung hinges? naririnig ko yung ingay pag iniikot yung manibela, naka idle man o umaandar.

    nag start ito nung pinalitan yung worn out kong bushing ng power steering clamp.
    ganun din nangyari sa akin...yung pinalitan nila ng clamp..then 1 notice it day 2 agad..pinacheck ko sa iba..baka malwag lang pagka kabit, pero yung nilagay pala ay hinde sa tamang sukat..nagpagawa ako sa M7 ng fabricated na clamp bushing ayun..ok na siya..HTH

  10. Join Date
    Jan 2008
    Posts
    341
    #10
    Quote Originally Posted by earthlyken View Post
    ganun din nangyari sa akin...yung pinalitan nila ng clamp..then 1 notice it day 2 agad..pinacheck ko sa iba..baka malwag lang pagka kabit, pero yung nilagay pala ay hinde sa tamang sukat..nagpagawa ako sa M7 ng fabricated na clamp bushing ayun..ok na siya..HTH
    try ko muna ibalik sa mekaniko, baka mali pagka-kabit.
    correction kung san galing yung ingay: di pala sya mismo sa steering, malakas ang ingay galing sa dulo ng steering column, malapit sa pedal ng brake.

Page 1 of 2 12 LastLast
power steering prob on my converted ek civic