ano po kaya cause nito magkaiba gap ng tire sa fender, sa left side as seen sa pic wala ng gap as in pasok na sa loob yung gulong, sa right side naman may gap pang one finger. pero timbang naman ang auto.
normal lang TS ang uneven fender gap, lalo na sa mga medyo hindi na bago auto.
normally mas mababa talaga ang driver side, laging may sakay kasi ang driver side
and sa mga front wheel drive cars, ang transmission mo majority ng weight din nyan
is naka-sampa sa driver side shocks and springs, it also adds sa uneven height.
you would try replacing shocks and springs with new one, pero i dont think magiging pantay
na pantay padin yan, siguro when new, pero sa katagalan, i dont think so.
one sure thing that almost eliminates uneven ride height is to replace your springs and shocks
with coilovers, maaadjust mo sya na pantay both sides.