bumili ako ng 2 KYB excel -G (front left and right) para mapalitan yung sa 93 civic esi namin.

dinala ko yung front right na lumang shock absorber as sample. napansin ko na mejo iba yung orientation nung dulo na coil spring pag sa KYB as compared sa stock (ndi ko alam yung brand).



parang iikot yung spring ng more than 90 degrees counter clockwise in relation to the aligning tab.

binili ko pa din since pwede naman i adjust yung orientation nung shock mount.

inisip ko parehas yung situation nung right and left na KYB.

inuna ko ikabit yung sa right (passenger side) at OK naman yung pagkaka adjust ko nung shock mount. kaso pagdating sa driver side, nagkamali ako dahil sa adjustment ng ginawa ko tulad sa passenger side. yun pala eksaktong parehas yung lumang shock absorber sa driver side dun sa KYB na nabili ko so ndi na kelangan ng adjustment.

so ang tanung bakit ganun? sa isang side ndi parehas ang KYB at stock shocks pero dun sa isang side naman saktong parehas lang?

ndi kaya mali yung binigay sa akin para dun sa passenger side? pero nung tiningnan ko yung part number (as confirmed sa catalog ng KYB) tama naman. may box din.

BTW, pantay naman yung height na both sides. parehas 5 fingers hehehe (taas).