New and Used Car Talk Reviews Hot Cars Comparison Automotive Community

The Largest Car Forum in the Philippines

Page 1 of 2 12 LastLast
Results 1 to 10 of 11
  1. Join Date
    Apr 2010
    Posts
    739
    #1
    Front/rear disc brakes ito.

    Nagpalit ako ng 4 na gulong and realizing na binaklas na rin naman nila, nagpapalit ako ng brake pads. Nag scout ako sa Evangelista and pinakabit sa tire shop (yung front pads muna). Nag road test kami and sabi ng technician lumulusot, baka daw sa hydrovac. Inuwi ko muna kasi naschedule ko na rin naman sa mekaniko ko yung change brake pads. (nakalimutan kong sabihin dun sa tire shop na i-bleed)

    Kanina pinalitan ng mekaniko ko yung rear disc pads and nag bleed sya paikot. Chineck nya rin yung front pads and ok naman. Nag improve kaso lumulusot pa rin, hindi ako confident lalo na umaakyat ako lagi ng bundok. Ang weird lang eh nung pudpud pa yung pads ko eh di lumulusot, pero ngayong bago and pads eh saka naman nagkaproblema...

    Suspetsa nya sa brake master. Sinabi ko yung suggestion nung sa tire shop na baka hydrovac - sabi nya dapat daw matigas kung sira ang hydrovac. Around 500 daw yung brake master, palitan daw muna namin. Tama ba diagnosis nya?

  2. Join Date
    Jan 2011
    Posts
    642
    #2
    may tagas po ba sir?

  3. Join Date
    Apr 2010
    Posts
    739
    #3
    Wala namang tagas, kahit before pad replacement. Merong tumutulong brake fluid nung pinapalitan nila yung pads kasi binaklas nila pero after nun wala na.

  4. Join Date
    Oct 2006
    Posts
    5,683
    #4
    Quote Originally Posted by ParticleX View Post

    May gas-gas na sir yung brakemaster niyo, so kahit repair kit lulusot pa rin (dahil mas malaki na yung cylinder/tube ng brakemaster kaysa sa piston), palitan niyo na ng buong assembly.

    - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - -

  5. Join Date
    Apr 2010
    Posts
    739
    #5
    Yung sa first post ko pala na around 500 is sa repair kit

    Kanina binaklas ng mekaniko ko ang brake master, palitin na raw yung seals so naghanap sya ng repair kit. Pagbalik nya out of stock daw so no choice sya kundi yung seals lang ang binili. Nag bleed sa brake master and road test. Laki ng improvement, di na lumulusot pero malalim na yung travel ng brake pedal. Usable na kaso iba pa rin yung dati

    Sabi nya ayaw nya sana nung seals lang, gusto nya yung buong repair kit or buong assembly na. Wala syang idea kung magkano, tawagan ko na lang by monday. Mga magkano buong brake master assembly?

  6. Join Date
    Oct 2009
    Posts
    2,271
    #6
    bro..pinalitan ba ng piston or discpad lang pinalitan..

    nangyari na sa akin yan..manipis na ung pad.kaya nung pinalitan ng bago makapal.pumasok ng husto ung piston.dun nagkaroon ng problema.may tama na ung piston kung saan dati siyang naka labas.

    kaya nagpalit din ako ng caliperkit at piston ayun sapol..

    - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - -

    bro..pinalitan ba ng piston or discpad lang pinalitan..

    nangyari na sa akin yan..manipis na ung pad.kaya nung pinalitan ng bago makapal.pumasok ng husto ung piston.dun nagkaroon ng problema.may tama na ung piston kung saan dati siyang naka labas.

    kaya nagpalit din ako ng caliperkit at piston ayun sapol..

  7. Join Date
    Oct 2006
    Posts
    5,683
    #7
    Between P800-1,500.

  8. Join Date
    Apr 2010
    Posts
    739
    #8
    ^ brand new or surplus price yan chief? i think mag bnew na lang ako mahirap na. Sa ow el eks around 3k price

    Quote Originally Posted by jaypee10 View Post
    bro..pinalitan ba ng piston or discpad lang pinalitan..

    nangyari na sa akin yan..manipis na ung pad.kaya nung pinalitan ng bago makapal.pumasok ng husto ung piston.dun nagkaroon ng problema.may tama na ung piston kung saan dati siyang naka labas.

    kaya nagpalit din ako ng caliperkit at piston ayun sapol..
    Yung disc pads lang ang pinalitan... Sabihin ko sa kanya yung sa piston/caliper, pero binaklas na nya eh so I think di dun, remind ko na lang sya. Nung pudpod pa yung pads di lumulusot eh

  9. Join Date
    Oct 2006
    Posts
    5,683
    #9
    Quote Originally Posted by ParticleX View Post
    ^ brand new or surplus price yan chief? i think mag bnew na lang ako mahirap na. Sa ow el eks around 3k price

    Yung disc pads lang ang pinalitan... Sabihin ko sa kanya yung sa piston/caliper, pero binaklas na nya eh so I think di dun, remind ko na lang sya. Nung pudpod pa yung pads di lumulusot eh
    Brandnew yun pero depende yata kung para sa aling kotse at brand. Better mag-brandnew ka na, mahirap sumugal sa surplus lalo't safety at brakes ang usapan.

  10. Join Date
    Apr 2010
    Posts
    739
    #10
    Pinalitan na yung brake master ng bago. Di na lumulusot and firm na ang brake pedal. Hindi ko nga lang alam kung ano yung ginawa kasi nasa work ako.

    Di ko lang alam kung naninibago ako pero parang slightly di sya masyado makapit? Or ganun ba talaga pag bago brake pads. May nakalagay din kasi sa box nung front pads na "do not do hard braking for 150 miles" or similar... Observe ko muna then paadjust na lang.

Page 1 of 2 12 LastLast

Tags for this Thread

Newly installed brakepads - lumulusot