Mga co-tsikoteers ask ko lang kung anong problema ng kotse ko which is a 1984 Ford Laser(first owned ng parents ko), kasi last year kakapalit ko lang ng velocity joint which resolve yung issue ko pag umaandar at kumakabig ako ng kaliwa at kanan na may tunog na "tak tak tak" napalitan ko na lahat last week ng bushing ko small and big pati bushing sa rear ko, bagong repair tie rods ko ng Cruven pati shocks palit na rin ako harap at likod, bagong palit narin ako ng ball joints. Pero ngayon pag kakabig ako ng todong kaliwa at kanan ng naka hinto may "CLUNK" na tunog kahit dahan dahan yung andar ko pero pag mabilis wala yung tunog, manual lang steering rack ko hindi po power steering car ko. Rack and pinion po ba yung problema or steering rack? Sana may makasagot po ng problem ko ng matapos na gastos ko sa car ko. I appreciate any immediate and helpful response




Reply With Quote
