napako yung isang front tire ko, kaya pala akala ko nawala sa alignment, kumakabig sa left. so pina-vulcanize ko, cold patch ang ginamit. tanong ko lang kung tumatagal ba ito? hindi ba delikado kung madalas ako sa mga rough roads?
also, kapag dumadaan ako sa humps, meron na akong naririnig na 'tok' pag akyat ng humps, another 'tok' pagbaba ng humps. pina-check ko sa servitek, maluwag na daw yung stabilizer bar. how much kaya ito? pareho ba ito sa mga safari?
afrasay, stabilizer bar tawag dun nung mechanic. parang isang steel rod itong mahaba from one side of the chassis to the other side. tapos parang nakasabit ito sa tig-isang link magkabila na nakakabit naman sa me chassis. yung link daw ang maluwag na.
ung reserba ko na punit ang sidewall nilagyan ng malaking patch..hanggang ngayon buhay pa..i'm using it for 3 weeks na..nasira kasi ung isa kong gulong...na naman.
Originally posted by kiper sir boybi,matibay ang cold patch.
ung reserba ko na punit ang sidewall nilagyan ng malaking patch..hanggang ngayon buhay pa..i'm using it for 3 weeks na..nasira kasi ung isa kong gulong...na naman.
sa pananalita mo parang 3 yrs mo nang gamit yang me cold patch, 3 weeks palang pala
ako napudpod na lang goma buhay pa. but now im using tire plugs from US. di na kailangan dismount yung tire. One plug would cost 75 kung papagawa but since I have the kit and i get from supplier, one plug costs 25 plus a little bit of vulcanizing fluid. pag gagawa daw ako charge ko dapat 75 hehe. pero lifetime din tumatagal.
as for your stab bar. a.k.a. anti-roll bar, pareho lang yan sa safari. I think. pero di mo kailangan yan. hehe. yung akin tanggal na yung front and rear.
boybi::: Yung stabilizer bar links mo matibay yan, kahit na maluwag di basta basta mabubunot, unless nagpalit ka ng replacement. Isa yan sa pinagmamalaki ng Nissan parts, kahit na maluluwag na mga ball joints hindi mabubunot ito. Yung sa akin may kalog na on all four sides, ganun pa rin naman ang performance.
meron na kasi akong naririnig na 'tok' kapag umaakyat ng humps, tapos another 'tok' pag baba ng humps. pina check ko lahat ng ilalim, walang nakitang problem. yung stab-link ang napansin na maluwag na daw at 'baka' yung ang cause.
pwede din daw cause ng ingay yung coils. balutan ko daw ng hose yung part ng coils na nakapatong sa baba.
Busted stabilizer bushings kung sa humps and potholes. Pwede pa gawan ng paraan yan, higpitan mo mga bolts on all connections. Ipitin mo yung goma hanggang sa ma-press.