
Originally Posted by
v6dreamer
Wala bang kakaibang ingay na nararamdaman mo sa motor, sa likod, sa wheel, losing brake fluid o kaya nangagamoy, at iba pa? Halos lahat sa preno ay nagawa mo na (tama ba ang rear brake adjustment mo, ito yong emergency brake na kapag inangat mo nag aadjust) pero may problema parin. Kung wheel hub bearing naman ang problema magiingay sana, paki taas mo ang buong likod then spin the wheel with your hand at pakiramdaman mo kung may grinding sound o kaya naninikip. Kung sikip habang iniikot mo ang gulong tapos luluwag, may problema ka parin sa brake wheel cylinder o kaya palitan mo yong pads.
Mahanap ito pero kailangan na in-details kung sasabihin mo para mas madaling masilip ang problema. Kaya mo yan dahil brakes is not a difficult to understand.