hingi po sana ako tulong sa problema ng preno ng starex van ko. unang tapak ko sa preno ay meron pero sa pangalawang tapak ko ay wala na at matigas na ito kahit idiin ko pa ang pagtapak sa brake pedal. pinalinis ko ang lahat ng brake areas at pinacheck ang mga brake linings na maayos pa lahat pero ganun pa din ang problema. sa ngayon ay ginagamit ko pa ang sasakyan ko pero mabagal lang ang takbo ko at isang tapak lang ako sa preno pag gusto ko huminto lalo na pag may traffic.
dinala ko ito sa isang auto workshop para ipacheck ang problema. ang ginawang test ng mekaniko ay inapakan ang preno at sabay inistart ang sasakyan. sabi ng mekaniko ay dapat dahan-dahan bababa ang brake pedal pagkatapos maistart ang sasakyan kung ayos ang hydrovac.
base sa findings ng mekaniko, defective na po ba ang hydrovac at kailangan na palitan o hindi ang hydrovac ang may problema? paki tulungan nyo nman po ako. maraming salamat.
based on symptoms, culprit is the brake booster(hydrovac). mukhang may leak. hindi nya kaya mag multiply ng pedal pressure to ensure na ma-push ng brake fluid ang brake pads.
id replace it if i were you. surplus costs about 2k upwards sa evangelista.