Mga bossing,
Storytelling muna ako ha.
Before servicing: brake pedal ko e mejo pumupulso pero negligible.kung talagang "observant ang paa ko" e napapansin kong pumupulso. i repeat, negligible sa pakiramdam.hehe
After the servicing: tumindi na ang pagpulso. halos sasabay na rin ang puso ko dahil kumakapit then nawawala then kakapit and so on ang preno.
what could be the problem? nakakailan nako sa adjustment sa brake drum pero hindi matanggal ang pagpulso.
eto ginawa sa pipip ko. nga pala pipip ko e mighty max na 4d56t auto. yung dati pa rin ang brake lines.
1. reface disc rotor (left front lang kasi ok p ung right front)
2. palit ng flexi hoses kasi may tagas na
3. pinantay rin ung brake pads sa calipers
4. linis preno sa harap at likod.
5. palit rubber cap at boot sa left rear.
6. sangkatutak na "bleeding operation"
TULONG PO!![]()


Reply With Quote
