Kapag nag-brake ako meron sound sa harap na gulong, driver side, parang kumakamot na sound, maririnig mo lang talaga siya kapag umapak ako sa brake... pinapalitan ko na brake pads at pina-reface, nawala siya for a while, then bumalik ulit, binaklas siya ulit, pati caliper, may konting tagas kaya nagpalit ng kit (mga goma), nawala ulit, pero after a while balik na naman tunog niya...