Pwede din maluwag na ang tie rods. Ipataas mo ang front wheels tapos ilagay ang kamay sa gulong sa 9:00 at 3:00 positions. Alugin at tingnan kung may "play". Kung umaalog, malamang tie rod yan.
Dalhin nyo po sa mga steering & suspension shop at least sa dalawang magkaiba.. Karamihan ay free check up and estimate. Magdecide ka na lang later kung saan mo gusto ipagawa. Dahil more than 10 yrs old na ang car baka marami na ang papalitan sa steering system.