Good day mga sir,

Medyo malapit lapit na po ako para sa 1k km pms. At natapos ko na din po mag backread ng thread. Ayon sa nabasa ko is ok lang na mineral oil lang po muna gamitin at 1k km pms then upgrade na lang to synthetic in 10k pms. I respect and never doubt those inputs.

Isa po kasi akong noob pagdating sa sasakyan. As in 10% knowledge, alam lang ay maging pasahero at driver pa minsan minsan. First time owner din po ako ng brandnew na sasakyan. And Im planning to use fully synthetic oil all the way. Medyo gusto ko ibeybi si Strada. Tanong ko lang po kung ano pong brand/model number na magandang fully synthetic oil? At magkano po ang expected na babayaran for 1k km pms. At ano po ang mga necessary na ipagawa, and plano ko po na hindi ipa-flush.

Thanks in advance.