Results 21 to 30 of 718
-
March 13th, 2008 04:14 PM #21
-
Verified Tsikot Member
- Join Date
- Aug 2006
- Posts
- 147
March 14th, 2008 01:06 AM #22
-
March 14th, 2008 01:31 AM #23
docglen ok pa ba sa anilao ngayon? Noong kumuha ako ng diving course sa South Sea Dive sa Paco doon din kami nag-checkout dive sa Anilao. Ang natatandaan ko na lang ay yung malapit sa Sombrero island. Bale parang cliff diving kasi yung bundok deretso pababa sa dagat. Nadale nga ako ng sea urchin sa kamay kasi tinanggal ko yung gloves ko . Tapos yung final dive namin sa may cathedral. Yun bang may cross sa ilalim. Siyangapala kung magawi kayo sa Bohol malapit lang ako sa Balicasag Island (2nd best dive site sa Pilipinas). Maganda don sa may black forest. Maraming baraccuda at pawikan. Yun nga lang malakas ang current.
-
March 14th, 2008 09:29 AM #24
-
March 15th, 2008 01:54 AM #25
Nagka-kayak ako paminsan-minsan pag hindi nagda-diving. Mas makakamura ka nga pero kailangan mo ring mag-invest sa gear mo katulad ng kayak, paddle, lifevest at syempre kailangan mo rin ng thule kayak carrier mo sa strada. Pero kung may makita kang pwedeng upahan mas lalong mura yun kasi per hour lang. Marami ng mga resort ngayon na may mga kayak pero mas maganda mag-kayak sa river kumpara sa open sea. Custom built yung sa akin. Gawa sa marine plywood at coated ng fiberglass. Hindi kasi maganda yung mga commercially made na benebenta sa atin katulad sa Toby's Sport. Gawa yun sa hard plastic kaya mabigat at nabe-bend pa.
-
March 15th, 2008 09:33 PM #26
oo yung upahan nga gnagamit ko madalas sir pag nag bebeach, pero mas gusto ko yung sa river kasi mas delicado mas enjoy..pero di ko pa na ttry gusto ko ma experience..
nag babalak ako dati kumuha ng kayak sa mga toby's pero ayun nga wala ako idea kung ano ok, andame klase kasi..baka mali o hndi maganda mabili ko..kaya hndi nako bumili..
yung kayak nyo sir na custom made, pang river or sea?
may training school ba ng kayak sir, yung pang river?interested ako..
-
March 16th, 2008 02:23 AM #27
River kayak yun sa akin kasi sleek ang design. Mostly yung pang open-sea malalapad para stable sa alon. Wala akong alam na training school pero baka meron kung i-research mo seguro sa internet. Yung sa akin kasi sumama lang ako sa mga kayakers sa amin. Tapos sila na nagturo ng mga mounting pati yung mga rolling at kung paano bumalik sa kayak sakali mang tumaob ka. Nakayak na ng iba sa kanila yung paikot ng Bohol at Cebu. Tapos pag summer nag-oorganize sila ng moonlight paddling. Nakasama na ako minsan at masaya kasi mahigit 15 yata kami na nagsasagwan sa ilalim ng bilog na buwan papuntang beach resort. Tapos don na nagpapaumaga at kayak ulit pauwi. Pero mas maganda pa rin yung river kayaking katulad ng ginawa namin na mga 7 kilometers upstream tapos sa dulo may waterfalls. Yung river parang sa amazon at winding pa.
-
March 16th, 2008 09:36 AM #28
wow ang sarap nun sir, na imagine ko yung moonligh paddling.. ok yun parang sa amazon river! sarap na experience nun..adventurous din kasi ako sir, umaakyat din kasi ako ng bundok dati, kaya trip ko yung mga ganyan..
oo mas gusto ko talaga yung sa river, mas thrilling..
ganun nga yung gusto ko matutunan yung tamang pag paddle, pag tumaob ano gagawin, kasi mahirap na pag hndi maruonong, ayoko naman buili agad at sumabak mag isa sa ilog ng wala ko alam mamatay ako nun hehe
nag try nako sa net maghanap sir pero wala ako makita, may group ba kayo na online din?parang ganito tsikot.com?
-
March 16th, 2008 06:41 PM #29
[quote=eslonblue;1032111]wow ang sarap nun sir, na imagine ko yung moonligh paddling.. ok yun parang sa amazon river! sarap na experience nun..adventurous din kasi ako sir, umaakyat din kasi ako ng bundok dati, kaya trip ko yung mga ganyan..
oo mas gusto ko talaga yung sa river, mas thrilling..
ganun nga yung gusto ko matutunan yung tamang pag paddle, pag tumaob ano gagawin, kasi mahirap na pag hndi maruonong, ayoko naman buili agad at sumabak mag isa sa ilog ng wala ko alam mamatay ako nun hehe
nag try nako sa net maghanap sir pero wala ako makita, may group ba kayo na online din?parang ganito tsikot.com?[/quote
partner eslonblue, kung may time mag setup tay rafting kahit sa may kalinga lang!!!! last time i went rafting was at isabela 8 years ago!!
-
the triumph of man over... man!, using the crudest of implements (by modern standards).
Traffic!