New and Used Car Talk Reviews Hot Cars Comparison Automotive Community

The Largest Car Forum in the Philippines

Page 1 of 17 1234511 ... LastLast
Results 1 to 10 of 164
  1. Join Date
    Aug 2007
    Posts
    1,214
    #1
    pwede ba ipusta ang tcash in favor of pacquiao? sino gusto dyan? partida delikado pa daw si pacman..

    DELIKADO SI PACMAN
    Incosistent at erratic ang isa sa judge ng rematch


    Handang-handa na anumang oras para sumabak si Pinoy ring icon Manny Pacquiao sa nalalapit na rematch nila ni WBC super featherweight champion Juan Manuel Marquez sa Marso 15 (Marso 16 sa Pilipinas) sa Mandalay Bay Resort and Casino sa Las Vegas.

    Halos matatapos na niya ang sparring sessions at konting ensayo na lang ang gagawin para hindi masunog. Wala na rin siyang problema sa timbang dahil tumimbang siya noong Lunes ng 133 pounds, tatlong libra na ang sobra sa weight limit na 130 lbs.

    “Pababa na po ang dami ng rounds ng ensayo namin dahil papalapit na ang laban. Nalampasan ko na po ang pinakamahirap na yugto ng aking training at sa ngayon, ako naman ay naghahanda sa mental at spiritual part ng laban,” ani Pacquiao habang nagpapahinga matapos ang ensayo.

    “I am really excited to fight the world champion, Juan Manuel Marquez and I want nothing less than a victory on March 15. I have prepared very hard for this fight and I am sure this will be a good fight.”

    Sapat na ang nakitang kahandaan ni Pacman para ideklara ni American coach Freddie Roach na mananalo ang kanyang alaga sa knockout, na siya kailangang para masiguro ang tagumpay.

    Ayon sa ilang boxing experts delikado si Pacman kapag muling natapos sa 12 rounds ang laban nila Marquez dahil hindi man maulit ang controversial draw nang una silang magsagupa posibleng matalo sa puntos ang Pinoy slugger.

    Isa sa tatayong judge sa rematch ang 70 anyos na si Dick Flaherty na kilalang mali-mali sa pagbibigay ng puntos.

    Bagama’t wala umanong pinapanigan sa pagbibigay ng iskor si Flaherty subalit kilala ito sa pagiging erratic.

    “Flaherty, who is in his 70s, is one of the most inconsistent and erratic judges in the world. In this particular case, he can affect only the fortunes not the health of these two great fighters,” komento ni Michael Marley ng website na Boxing Confidential.

    Ilang laban na ang hinawakan ni Flaherty na mali-mali ang paghusga ng resulta. Halimbawa ang 10-round decision sa Kasim Ouma-Sechew Powell fight noong Agosto 5, 2006 kung saan ang dalawang judge ay nagbigay ng 97-93 at 96-94 na iskor, subalit si Flaherty ay nag-iskor ng 100-90 para kay Ouma na ang ibig sabihin ay walang ipinanalong round si Powell.

    Kontrobersiyal din ang desisyon ni Flaherty sa first bout nina Sam Peter at James Toney. Iniskoran niya ito ng 9-3 para kay Peter gayung sa media post fight poll ay 28 sa 29 journalists ang nagsabing si Toney ang nanalo.

    Ang dalawa pang tata*yong judge sa “Unfinished Business’ ay sina Jerry Roth at Duane Ford.

    Ayon sa mga expert, maaari rin umanong puma*bor kay Pacquiao ang ibibigay na iskor ng erratic judge.

  2. Join Date
    Oct 2007
    Posts
    423
    #2
    Dapat kasi wag ng pag judgin yung mga eengo engot and uugod ugod na. Sa bilis ng kamay ng boksingero, dapat alisto ka. hay.. GO PACKY!

  3. Join Date
    Nov 2005
    Posts
    7,970
    #3
    Quote Originally Posted by glenngj View Post
    pwede ba ipusta ang tcash in favor of pacquiao? sino gusto dyan? partida delikado pa daw si pacman..
    punta ka dito sa link na to at makikita mo kami pusta na!

    http://tsikot.yehey.com/forums/showt...ations&page=10

  4. Join Date
    Jan 2003
    Posts
    657
    #4
    di na kailangan ng judge sir, TKO na ni pacman yang si morales hehehe

  5. Join Date
    Aug 2007
    Posts
    1,214
    #5
    Quote Originally Posted by XTO View Post
    punta ka dito sa link na to at makikita mo kami pusta na!

    http://tsikot.yehey.com/forums/showt...ations&page=10

    pumusta na ako.. kaya lang kakaunti pa ang kay morales.. sali na kayo!!

  6. Join Date
    Oct 2007
    Posts
    423
    #6
    Wala pa kong Tcash na pamusta. 1,500 palang ata Tcash ko

  7. Join Date
    Sep 2003
    Posts
    21,384
    #7
    Quote Originally Posted by glenngj View Post
    pumusta na ako.. kaya lang kakaunti pa ang kay morales.. sali na kayo!!
    ^^^ Teka mali ata pinupustahan nyo. Baka luma na yung laban na tinutukoy nyo. Retired na si Morales, hoy!........

    Si Marquez ang kalaban ni Pacman.

    Makapusta nga. Pacman in 8 rds!

  8. Join Date
    Jun 2007
    Posts
    1,343
    #8
    Quote Originally Posted by JCBalunsat View Post
    Wala pa kong Tcash na pamusta. 1,500 palang ata Tcash ko
    pwede na yan kahiy nga 1000 pwede na eh. BASTA KAY MARQUEZ KA

    PUNTAHAN MO ITONG LINK NA ITO: http://tsikot.yehey.com/forums/showt...64#post1025364

  9. Join Date
    Sep 2003
    Posts
    21,384
    #9
    Sana maging "toe to toe" ang laban, walang tatakbo. Boring kung tatakbo si Marquez..........(or si Pacman). Yung bugbugan talaga. Baka mag-ala Barreira ang isa sa kanila.

  10. Join Date
    Nov 2005
    Posts
    7,970
    #10
    Quote Originally Posted by JCBalunsat View Post
    Wala pa kong Tcash na pamusta. 1,500 palang ata Tcash ko
    pwede na yan, kami nga noon nag umpisa lang sa 500 eh.... nakaka-wili talaga ang sugal :rofl: minimum bet: 500 para di nakaka lito

    glenngj: puntahan mo yung last page ng BETTING STATIONS thread. si marquez ang kalaban ni pacman. retired na si morales.
    Last edited by XTO; March 7th, 2008 at 08:49 AM.

Page 1 of 17 1234511 ... LastLast
Pacquiao vs Marquez II - Unfinished Business