New and Used Car Talk Reviews Hot Cars Comparison Automotive Community

The Largest Car Forum in the Philippines

Results 1 to 20 of 20

Hybrid View

Previous Post Previous Post   Next Post Next Post
  1. Join Date
    Sep 2003
    Posts
    1,202
    #1
    Plantsado na ang mga detalye para sa pagsasapelikula ng buhay ng tinaguriang “People’s Champion” na si Manny Pacquiao.

    Ito ang masayang ipinahayag ng abogadong si Ed Flaminiano, may-ari ng FLT Films na siyang nakakuha sa story rights ng buhay ng sikat na boksingero.

    Ayon kay Flaminiano, bago pa lumaban si Pacquiao Las Vegas pumirma na siya ng kontrata sa FLT Films.

    “Win or lose we signed him up. We kept faith,” ani Flaminiano.

    May matibay nang box-office record ang FLT Films sa action at drama movies.

    Ang award-winning team nina director Joel Lamangan at Roy Iglesias ang hahawak sa pelikula na may working title na "Pacquiao, Ito Ang Laban Ko."

    Si Jericho Rosales ang napipisil na gumanap na Pacquiao at si Kristine Hermosa ang natitipuhang gumanap bilang Jinky, ang asawa ng boksingero.

    Sina Cherrie Pie Picache at Elizabeth Oropesa ang mga pinagpipilian para gumanap bilang si Dionesia, ang ina ni Pacquiao.

    Kukunan sa bansa at Amerika ang proyekto na maglalahad sa luha at tagumpay, pag-ibig at maging mga katatawanan sa buhay ni Pacquiao.

    Sa ngayon daw ay naghahanap pa ng partner ang FLT para sa proyekto na nakatakdang ilunsad sa Pebrero 8.

    Nakatakda ang formal signing ni Pacquiao at ng FLT sa darating na Linggo.

  2. Join Date
    Sep 2003
    Posts
    1,202
    #2
    jericho daw di bagay

  3. Join Date
    Oct 2005
    Posts
    926
    #3
    onyok?

  4. Join Date
    Oct 2002
    Posts
    4,801
    #4
    onyok nga yata. Pero sino naman ang gaganap na onyok kapak isinapelikula buhay ni onyok??

  5. Join Date
    Sep 2003
    Posts
    1,202
    #5
    Quote Originally Posted by Karding
    onyok nga yata. Pero sino naman ang gaganap na onyok kapak isinapelikula buhay ni onyok??
    si pacquiao

  6. Join Date
    Oct 2005
    Posts
    926
    #6
    uhhhh...dagul?

  7. Join Date
    Oct 2002
    Posts
    4,801
    #7
    :evillaugh

    sabi ko na nga ba at may babanat ng ganyan sagot eh, nwahahaha

  8. Join Date
    Dec 2005
    Posts
    1,214
    #8
    baka si miles roces kaya todo dikit sa float. may promotion agad.

  9. Join Date
    Oct 2002
    Posts
    3,754
    #9
    Hindi bagay si Jerico... dapat yung medyo tigasin ang Mukha..makukuha ang pag sasalita nya.

  10. Join Date
    Aug 2004
    Posts
    1,632
    #10
    di ba magkahawig naman...


  11. Join Date
    Oct 2002
    Posts
    4,801
    #11
    raikonen, oo nga!

  12. Join Date
    Oct 2002
    Posts
    3,754
    #12
    hehehe mag bigote dpat si jerico tapos pa gulpi sya sa mga tambay... swak na sya sa role hahaha

  13. Join Date
    Jan 2006
    Posts
    35
    #13
    si empoy na lang.. rak en roll!!!

  14. Join Date
    Oct 2002
    Posts
    4,059
    #14
    baka si bobby pacquiao? manager nya kuya nya diba?

  15. Join Date
    Oct 2002
    Posts
    2,470
    #15
    natawa ako dun sa pacman at jericho pics. may pagkakahawig talaga

  16. Join Date
    Mar 2003
    Posts
    272
    #16
    May napanood akong look alike na istambay sa maynila.... pero mas ok si EDDIE GIL!

  17. Join Date
    Aug 2005
    Posts
    4,293
    #17
    Yung lead singer sa Parokya ni Edgar pwede kung gusto nya..hehehe si Tado bagay din.

  18. Join Date
    May 2005
    Posts
    1,384
    #18
    may pacquiao impersonator .. andoon nung iniinterview yun pnp para sa security arragements nung pagdating ni pacquiao .. kumanta pa nga .. pero hindi alam yung lyrics ..

  19. Join Date
    May 2005
    Posts
    4,819
    #19
    pwede rin si Jimmy Santos! "My right hand is improvement!"

    di ba yan ang comment ni Noli Eala during the post-fight interview. Akala daw nya si jimmy santos yung nagsalita. hehehe

  20. Join Date
    Dec 2005
    Posts
    2,421
    #20
    di ba gusto rin ni manny mag-artista? sya na lang.

Buhay ni Pacquiao isasapelikula na --- Sino kaya gaganap?