New and Used Car Talk Reviews Hot Cars Comparison Automotive Community

The Largest Car Forum in the Philippines

Page 1 of 2 12 LastLast
Results 1 to 10 of 20
  1. Join Date
    Sep 2003
    Posts
    1,202
    #1
    Plantsado na ang mga detalye para sa pagsasapelikula ng buhay ng tinaguriang “People’s Champion” na si Manny Pacquiao.

    Ito ang masayang ipinahayag ng abogadong si Ed Flaminiano, may-ari ng FLT Films na siyang nakakuha sa story rights ng buhay ng sikat na boksingero.

    Ayon kay Flaminiano, bago pa lumaban si Pacquiao Las Vegas pumirma na siya ng kontrata sa FLT Films.

    “Win or lose we signed him up. We kept faith,” ani Flaminiano.

    May matibay nang box-office record ang FLT Films sa action at drama movies.

    Ang award-winning team nina director Joel Lamangan at Roy Iglesias ang hahawak sa pelikula na may working title na "Pacquiao, Ito Ang Laban Ko."

    Si Jericho Rosales ang napipisil na gumanap na Pacquiao at si Kristine Hermosa ang natitipuhang gumanap bilang Jinky, ang asawa ng boksingero.

    Sina Cherrie Pie Picache at Elizabeth Oropesa ang mga pinagpipilian para gumanap bilang si Dionesia, ang ina ni Pacquiao.

    Kukunan sa bansa at Amerika ang proyekto na maglalahad sa luha at tagumpay, pag-ibig at maging mga katatawanan sa buhay ni Pacquiao.

    Sa ngayon daw ay naghahanap pa ng partner ang FLT para sa proyekto na nakatakdang ilunsad sa Pebrero 8.

    Nakatakda ang formal signing ni Pacquiao at ng FLT sa darating na Linggo.

  2. Join Date
    Sep 2003
    Posts
    1,202
    #2
    jericho daw di bagay

  3. Join Date
    Oct 2005
    Posts
    926
    #3
    onyok?

  4. Join Date
    Oct 2002
    Posts
    4,801
    #4
    onyok nga yata. Pero sino naman ang gaganap na onyok kapak isinapelikula buhay ni onyok??

  5. Join Date
    Oct 2005
    Posts
    926
    #5
    uhhhh...dagul?

  6. Join Date
    Sep 2003
    Posts
    1,202
    #6
    Quote Originally Posted by Karding
    onyok nga yata. Pero sino naman ang gaganap na onyok kapak isinapelikula buhay ni onyok??
    si pacquiao

  7. Join Date
    Oct 2002
    Posts
    4,801
    #7
    :evillaugh

    sabi ko na nga ba at may babanat ng ganyan sagot eh, nwahahaha

  8. Join Date
    Dec 2005
    Posts
    1,214
    #8
    baka si miles roces kaya todo dikit sa float. may promotion agad.

  9. Join Date
    Oct 2002
    Posts
    3,754
    #9
    Hindi bagay si Jerico... dapat yung medyo tigasin ang Mukha..makukuha ang pag sasalita nya.

  10. Join Date
    Aug 2004
    Posts
    1,632
    #10
    di ba magkahawig naman...


Page 1 of 2 12 LastLast
Buhay ni Pacquiao isasapelikula na --- Sino kaya gaganap?