Ang ibig mong sabihin:
"Ang yabang naman ng mga Fil-Am na ito. Nagsasabi sila na "Proud to Be Filipino" pero hirap mag-Tagalog kahit sampung taon na sila nakatira dito."
Manlalait ka na, di pa diretsong Tagalog ang gamit mo...
Di naman "pretentious" yung nahihirapan magtagalog. Kulang lang yan sa exposure. Madaling mag-pick-up ng tamang accent kung yung mga kausap mo puro Tagalog. Nung bata ako, araw-araw akong sumasakay sa jeepney at kumakain sa gotohan, pero di pa rin ako diretso mag-Tagalog. Nahihiya nga ako, ang lakas mang-asar ng mga tao pag baluktot ka magsalita kahit mala-Kris Aquino ang pag-ta-"Taglish" nila.
Pero ang gamit namin sa iskwelahan at bahay Ingles, dahil taga-US din ang mga kasama ko diyan. Sa loob lang ng UP ako natuto na mag-Filipino na husto. Dahil lang sa araw-araw na pagsasanay sa pakikipagtalo sa mga kaklase kong leftista. :hysterical:
Obviously, the PBA is not UP. The commentators speak English, the reporters speak English, the announcers speak English, the (sometimes foreign) coaches and (sometimes foreign) players speak English. When the players get off work, they end up hanging around with other Fil-Ams, so... Ingles pa rin. Kung gusto mong masanay ang mga yan, dapat ipagbawal ang pag-Ingles sa PBA. Aprub?