League of Legends, LOL.
Sent from my mind using Telepathy 2
College days, naglaro din ako ng Ragnarok nung unang labas and it was so damn good that time. Yan yun mga time na halos wala na kong pera para makauwi ng bahay. Siguro mga 2 years din ako naglaro dyan. Nag-quit ako dahil sa puro bots na ang pRO noon. Then came DOTA on Warcraft 3 at naadik din ako. Naalala ko dati na yun suking computer shop namin eh yun grupo lang namin yun maingay. Friendships were created and bonds were strengthened with these games. Now, GT6 nalang nilalaro ko. Occasionally, Pokemon Y sa 3DS ko.
Alam mo Cathy, video games ay part na talaga ng karamihan sa mga lalake. Bibihira ang mga lalake na hindi into gaming. Tsaka for me, hindi na mawawala sa system ko ang video games.
Pero golf? Hmmmm, sabi larong pang mayaman lang daw yan.
tatandaan ko rin ang mga times na ganyan sir, yung wala na talaga pera pauwi, minsan nga wala ng kainan basta makalaro lang, d ka nagugutom kasi super engrossed ka sa paglalaro. kahit nung may mga bot na naglalaro pa rin ako ng pRO, got a chance to have a Ghostring card mula sa old card album, sold it for 960m server sarah kami noon, may offer na 200m +4k php d ko tinanggap, mas pinili ko yung 960m na ingame zeny kasi mas naiisip ko kapakanan ng grupo sa computer shop hehe. stop lang kami nung time na may mga combo cards na, saka talamak na masyado yung bot, yung mga rare items binabasag na lang ng iba, saka marami yung gugagawa ng bot, isang player sa sarah before may 50 bots para mag harvest ng loots para sa pera then binibenta yung pera at 3php per 1m. lol
^
Di ko na naabutan ang Sarah server. Quitted nung panahon na 3 lang ang server, Chaos, Loki, tsaka Iris. Originally Chaos player ako. Namimiss ko tuloy yun wizard at agi knight ko /lol /gg
1st year of marriage ko nagtampo din si esmi kasi nahilig me sa DOTA kahit s house lang. Pero one year lang yun. Tsaka sa house lang ako usually, bibihira lumaban sa mga icafe.
Golf, kahit kaya ko pa hindi ko din talaga trip. Baka yung golf cart na lang paglaruan ko. :bwahaha:
Last edited by Ry_Tower; December 28th, 2013 at 10:11 AM.
naabutan ko din yan chaos sir, actually una chaos kami kaso marami na high levels, nung nag open odin server lipat kami dun, tapos lumipat kami sarah, tapos nag lydia kami, and bumalik kami lastly sa sarah dun ko na nakuha yung ghostring card, ampotek talaga kaya hirap makuha mga boss cards imagine yung drop rate niya 0.01%. naka tsamba lang talaga ako sa old card album na binili ko sa prontera hehe. lumabo lang yung pRO nung sinubukan nila lately bumenta ng items sa shop, meron na cards saka mga weapons d mo na kailangan mag hunt load na lang katapat, yung boss cards lang di nila binenta dun
Lahat nang friends ko addicted sa Golf pero yung golf ayaw maaddict sa akin... Nabwisit sila pag ako ang kalaro kasi ang tagal ko daw makashoot.
Online games tinatamad ako, hindi ko trip.
Im playing destiny 2 now on the ps4 hehe
Sent from my iPad using Tapatalk