New and Used Car Talk Reviews Hot Cars Comparison Automotive Community

The Largest Car Forum in the Philippines

Results 1 to 3 of 3
  1. Join Date
    Jul 2006
    Posts
    1,057
    #1
    Galing sa email ko pinaka mura daw na gamot sa high blood

    Hytaz: Pinakamurang gamot sa high blood
    DOC WILLIE Ni Dr. Willie T. Ong
    Thursday, May 15, 2008

    Dok, may altapresyon po ako at ang maintenance ko ay Telmisartan na nagkakahalaga ng P55 bawat tableta. Hindi ko na po kaya bilhin ang gamot. Umaasa. — John

    * * * * *

    Sa ating mambabasa, may sekreto akong ipahihiwatig sa inyo. May isang mabisa at murang gamot para sa altapresyon na mabibili na sa Pilipinas. Ang generic nito ay tinatawag na HCTZ. Ang brand name ay HYTAZ, isang produkto ng Therapharma-Unilab.

    Ang Hytaz ay hindi bagong gamot. Ito ay may 30 taon ng ginagamit ng mga doktor sa buong mundo. Sa katunaÂ*yan, noong nag-training ako sa America , ang proÂ*pesor ko doon ay laging nagbibigay ng HCTZ sa kanyang pasyente.

    Natutuwa ako dahil ibinalik na ng Therapharma ang gamot na Hytaz. Mapapababa ng Hytaz ang inyong presÂ*yon sa dugo dahil isa itong diuretic. Ang diuretic ay nagpapaihi at nagtatanggal ng asin sa katawan. Ang asin ang nagpapataas ng presyon natin. Kaya sa mga maaalat kumain, lalo na ang mahilig sa patis, toyo at bagoong, bagay na bagay sa inyo ang Hytaz.

    Kailan ba dapat uminom ng gamot sa altapresyon? Kung ang blood pressure n’yo ay higit pa sa 140/90, naÂ*ngangahulugang may altapresyon na. Kailangan n’yo nang magdiyeta at malamang ay uminom ng mainte- nance na gamot.

    Ang halaga ng isang tableta ng Hytaz 25 mg ay P5.85 lamang sa Mercury Drugstore. Kadalasan ay kalahating tableta lang ay sapat na sa isang araw. Kung ganoon ay lalabas na P3 lang ang gastos niyo bawat araw. Matipid, hindi ba?

    Kahit ang tatay kong may altapresyon ay binibigyan ko ng Hytaz araw-araw. Magtanong sa inyong doktor tungkol sa gamot na Hytaz. Pambihira ang ganitong gamot na mura na, mabisa pa.
    * * *
    Nagpapasalamat ako sa pamumuno ng TheraÂ*pharma-Unilab sa pagÂ*gawa ng Hytaz, ang pinaÂ*kamurang gamot para sa altapresyon. Sa katuÂ*nayan ay nag-donate din ang Therapharma ng 40 karton ng Hytaz sa aming Pasay Filipino-Chinese Charity Center sa LiberÂ*tad, Pasay City.

    Maraming salamat sa kanilang General Manager na si Mr. John Dumpit, Marketing Director na si Ms. WenÂ*chie Keyser, at ang kaÂ*nilang napakabait na represen-tative na si Ms. Ivy Sia. Marami po kayong buhay na napapahaÂ*ba sa tulong ng Hytaz.

  2. Join Date
    Jun 2007
    Posts
    1,343
    #2
    bro kung sakali hulog ka ng langit sakin. aba mantakin mong super mahal nga itong Telmisartan/Micardis 40mg/once daily lang nga ang sa akin at yrs ko ng tinitake at ang average reading ko ay 120/80, 65pulse. dati kung ano-anong tinitake ko gaya ng tenormin..etc pero di angkop sa akin ito lang Telmisartan ang hiyang ako.

    so, ngayon eh good news ito. mantakin mo, ang halaga ng isang tableta ng Hytaz 25 mg ay P5.85 lamang.

    matagal na akong nagtatanong sa doctor namin kung ano ang murang substitute sa telmisartan sabi eh wala daw at huwag ko na daw palitan dahil umuubra naman ng mahusay at baka sa katitipid ko raw eh mas malaki pa ang idadamage nun kung sakali. syempre matatakot ka eh doctor yun eh. ang tenormin mura din kaso lang 130/90 ako dun at ang masama pa pulse ko ay 56 lang pinakamataas at kadalasan talaga 52 lang pulse ko kaya pinalitang ng doctor.

    teka kung may doctor na makabasa nito eh tanong ko lang, masama ba ang pulse na 52-56? di ba ok nga yun para di lalaki ang puso? si nanay ang pulse nya ay average na yung 100 kaya sabi ng nag 2d echo eh malaki daw muscles ng heart nya.

  3. Join Date
    Nov 2005
    Posts
    45,927
    #3
    Pag malaki ang heart muscle, hindi ba enlarged heart na yan?

    Coz the heart IS a muscle. If u train muscles, they grow big.

    Athletes have low resting heart rate (below 60 bpm) kasi their hearts are very strong and it takes very little effort to pump blood all around their bodies.

    The heart also enlarges when u have prolonged high blood pressure. Kasi overworked yung heart... so lumaki...

    ---------------------

    A diuretic is just 1 type of blood pressure drug.

    there are ACE inhibitors, angiotensin 2 receptor antagonists, alpha blockers, beta blockers, calcium channel blockers...

    usually more than 1 type ang tine-take para mas effective.

Hytaz: Pinakamurang gamot sa high blood