Hahahahahaha [emoji23] tuma-timing nga ako kung kelan ko i-post yung result.. Buti tulog ka na nga kagabi..
Yung Citrus fruits lang, tsaka sapat na tulog.. Malaking tulong na yun.. Isama nyo na lang sa diet nyo.. Maganda effect sakin nung poncan and orange.. Sa babae, ramdam yung effect nung poncan and orange..
Hindi ako mahilig sa maasim, lalo na Kamias!! Sobra asim neto... Nagkataon lang na meron kaming more than 15yrs old na puno ng Kamias.. Nung nagkasakit ako ang dami niya bunga.. Nung nawalan ako ng panlasa kinaya ko kumain ng 5pcs na malalaki (hindi ko yun normal, isa lang sapat na) .. Ang effect nun, mag chills at mag-peak yung lagnat ko (not sure if that's bad).. Assumption ko lang parang may war sa katawan ko, immune system vs. virus..
Ito effective din ito, ginagawa ko ito prior pandemic.. Kaso simula pandemic last year hindi ko na nasasama sa routine ko, ang hirap bumili ng kalamansi..
Paggising sa umaga, 4 pcs kalamansi sa maaligamgam na tubig.. Ito una gagawin to replenish water sa katawan.. Nakakapayat din ito [emoji16]
Manage pa din ang intake ng honey, pwede din kasi makataas ng sugar level kapag sobra.. Basta lahat ng sobra masama.. Ang water intake din, 3L ok na.. Masama din pag-sobra pwede din ikamatay..
Ang sarap nga po sa pakiramdam.. Hindi din po talaga madali yung napagdaanan ko.. Yung nawalan ako panlasa at pang-amoy more than 7 days yun, natakot na ako akala ko hindi na babalik..
Mas thankful ako ngayon, lesson learned din sa parents ko.. Akala nila normal flu lang yun, siguro naisip-isip nila na muntikan na ako mamatay..
Yung pagkawala ko panlasa and pang-amoy, ang inisip nila yung normal na symptoms sa flu.. Mahirap sya i-explain pero once na ma-experience sya.. Dun lang malalaman ang difference, ibang-iba sya as in zero taste and zero sense of smell.. Kaya kasabay nun, wala talaga gana sa food, hindi marecognize ng brain ang food.. Contradicting yung feeling na gutom na gutom ka na, sa nakikita mo ang sarap ng food, pero kapag kakain ka na wala ka gana, walang lasa, walang amoy..



Reply With Quote
