Pwede mong gawin yun bakit hindi?

Ganyan ang ginagawa ko pag walang kuryente although madalang naman

mawalan ng kuryente. I have a van w/c has a diesel engine so walang

problema sa akin yung presyo ng gas. Kung gusto mong maglaptop at

magcharge ng batt ng CP pwede ka bumili ng maliit ng inverter siguro mga

100watts pwede na yun pang laptop at pangcharge ng batt ng CP mo kahit

hindi mo buksan yung engine mo ng 1hour ewan ko lang kung kaya ng batt

mo yung aking kasi kaya. Pwede ka pa bumili ng mas mataas ng inverter

let's say mga 500 watts para paganahin yung ilang ilaw sa house nyo

huwag lang yung ref...Pwede yun sa mga ilaw, tv, electricfan...Syempre

tandaan mo na lang na mas mataas yung load eh mas mabilis ma-drain

yung battery ng kotse mo so dapat paandarin mo yung engine mo...Kung

itatap mo sa MAIN LINE ng house mo yung wire galing sa inverter make

sure na ibaba mo yung switch para putol yung supply galing sa meralco

para kung sakaling magkailaw eh hindi masisira yung inverter mo...

Maraming nabibiling klase ng inverter, mayroon 100W, 500W, 1000W at

may 2000W pa ata...Pero kung 1000W pataas eh huwag mo na i-plug sa

cigarette jack mo yung inverter...I-modify mo na lang ito para pwede mong

i-tap sa battery mo...Syempre gamit ka ng mas makapal na electric wire

para doon para safe...Syempre pag matutulog na mas maganda kung patayin

at disconnect mo na lang lahat para mas

safe talaga pero pwde mo pa rin gamitin ng 24 hours yun kung gusto mo

yun nga lang malakas yan sa gaso...Yung akin kasi pag ginagawa ko yun

eh tinatanggal ko bago matulog...