MATAPOS ang Hello Garci ringtone ni Pangulong Arroyo, nanganak naman ito sa panibagong tunog na tinawag na "I'm Sorry" na nagmula sa paghingi ng paumanhin ng Punong Ehekutibo sa publiko noong Lunes matapos amining nakipag-usap ito sa isang opisyal ng Commission on Elections (Comelec).
Kaugnay nito, namataan naman sa session hall ng Kamara de Representantes habang dinidinig ang wiretapping ang mga miyembro ng Gabriela na nakasuot ng kulay itim na t-shirt kung saan ginaya ang logo ng "Globe" Telecoms para gawing "Gloria" na dinagdagan ng resign.
Nalaman kay Anthony Ian Cruz, media relations officer (MRO) ni Bayan Muna Rep. Teodoro Casiņo at convenor ng TXTPower, na nagkaroon na ng panibagong 'variation' ang ringtone na nag-ugat sa kontrobersya ng Hello Garci compact disc (CD).
Sinabi ni Cruz na nakasaliw ang I'm Sorry ringtone sa kantang Tuliro na maaaring marinig sa TEXTPower.org.
Naniniwala si Cruz na magiging 'hit' rin ito hindi lamang sa buong bansa kundi maging sa buong mundo.
"There is new I'm Sorry ringtone to the tune of Tuliro and now available at TXTPower.org. Please know the Hello G.A.R.C.I. project for GMA resignation," ani Cruz.
Magugunitang inihayag ni Cruz na umabot sa isang milyon ang nagkaroon ng ringtone na Hello Garci sa saliw ng kantang "In The Club" na inawit ng grupong 50 cents base sa 350,000 kaso ng downloading sa kanilang website.
Sinabi naman ni Gabriela Rep. Liza Maza na isang ekspresyon ang damit sa patuloy na pagmamatigas ni Pangulong Arroyo na bumaba sa kapangyarihan.
Base sa suot na t-shirt ng mga miyembro ng Gabriela, nakalagay rin sa harapan nito ang mga katagang "Making election fraud possible ... Gloria resign" at cellular phone ng Nokia kung saan nakalagay naman ang "Nokia: Hello Garci, Will I still lead by one million votes?"
bakit hindi gawing ring tone ang mga katawatawang sinabi ng ibang MAKASARILING congresista kagabi!
OT. i just wished the majority of our kababayans was able to witness last night's event in congress. so they can judge what kind of politicians we have in the house...poor country.