New and Used Car Talk Reviews Hot Cars Comparison Automotive Community

The Largest Car Forum in the Philippines

Results 1 to 10 of 10
  1. Join Date
    May 2005
    Posts
    8,078
    #1
    MATAPOS ang Hello Garci ringtone ni Pangulong Arroyo, nanganak naman ito sa panibagong tunog na tinawag na "I'm Sorry" na nagmula sa paghingi ng paumanhin ng Punong Ehekutibo sa publiko noong Lunes matapos amining nakipag-usap ito sa isang opisyal ng Commission on Elections (Comelec).

    Kaugnay nito, namataan naman sa session hall ng Kamara de Representantes habang dinidinig ang wiretapping ang mga miyembro ng Gabriela na nakasuot ng kulay itim na t-shirt kung saan ginaya ang logo ng "Globe" Telecoms para gawing "Gloria" na dinagdagan ng resign.

    Nalaman kay Anthony Ian Cruz, media relations officer (MRO) ni Bayan Muna Rep. Teodoro Casiño at convenor ng TXTPower, na nagkaroon na ng panibagong 'variation' ang ringtone na nag-ugat sa kontrobersya ng Hello Garci compact disc (CD).

    Sinabi ni Cruz na nakasaliw ang I'm Sorry ringtone sa kantang Tuliro na maaaring marinig sa TEXTPower.org.

    Naniniwala si Cruz na magiging 'hit' rin ito hindi lamang sa buong bansa kundi maging sa buong mundo.

    "There is new I'm Sorry ringtone to the tune of Tuliro and now available at TXTPower.org. Please know the Hello G.A.R.C.I. project for GMA resignation," ani Cruz.

    Magugunitang inihayag ni Cruz na umabot sa isang milyon ang nagkaroon ng ringtone na Hello Garci sa saliw ng kantang "In The Club" na inawit ng grupong 50 cents base sa 350,000 kaso ng downloading sa kanilang website.

    Sinabi naman ni Gabriela Rep. Liza Maza na isang ekspresyon ang damit sa patuloy na pagmamatigas ni Pangulong Arroyo na bumaba sa kapangyarihan.

    Base sa suot na t-shirt ng mga miyembro ng Gabriela, nakalagay rin sa harapan nito ang mga katagang "Making election fraud possible ... Gloria resign" at cellular phone ng Nokia kung saan nakalagay naman ang "Nokia: Hello Garci, Will I still lead by one million votes?"

  2. Join Date
    Dec 2003
    Posts
    11,316
    #2
    san kaya meron nyan...hehehe

  3. #3
    Ipapa ban kaya ng administration yan? :bwahaha:

  4. Join Date
    Feb 2005
    Posts
    2,849
    #4
    nde naman ba "overkill"? we had our fun during the "hello Garci" ringtone.. sana naman wag na yung pag sorry... just my opinion.

  5. Join Date
    May 2005
    Posts
    72
    #5
    meron na kaya dito sa amin niyan...

  6. Join Date
    May 2004
    Posts
    1,175
    #6
    bakit hindi gawing ring tone ang mga katawatawang sinabi ng ibang MAKASARILING congresista kagabi!

    OT. i just wished the majority of our kababayans was able to witness last night's event in congress. so they can judge what kind of politicians we have in the house...poor country.

  7. Join Date
    Mar 2005
    Posts
    2,019
    #7
    nakaktuwa sila. bakit naman nila i-baban. pang personal na yun eh. wala naman sa batas yun ah

  8. Join Date
    Feb 2004
    Posts
    2,421
    #8
    download nyo na dito at makingan :D

  9. Join Date
    Nov 2002
    Posts
    6,753
    #9
    sinu merun? paemail naman. hahahaha

  10. Join Date
    Oct 2002
    Posts
    1,310
    #10
    meron dun sa TXTPower.org ah, papakinggan nyo lng hehehe...tuliro....tuliroooooo...tuliroooooo wehehehe

Hello Garci' ring tone panis na; 'I'm Sorry' ring tone patok