New and Used Car Talk Reviews Hot Cars Comparison Automotive Community

The Largest Car Forum in the Philippines

Page 2 of 4 FirstFirst 1234 LastLast
Results 11 to 20 of 35
  1. Join Date
    Oct 2002
    Posts
    4,388
    #11
    dami palang nakaka-experience nito. tsk tsk. basta maka gulang lang talaga.

    gusto ko sanang magpalit ng sim kaso ang tagal na nitong no. na to sa akin. simula pa nung nagka cell ako nung 2000 eto na gamit ko. tsk tsk.

    anyway, ano ung code para ma stop ung ganyan? saka san isesend? masubukan na rin baka gumana.

    salamat

  2. Join Date
    Jan 2003
    Posts
    973
    #12
    si silver corrola ata conected with smart/pldt.

    lets wait for his reply

  3. Join Date
    Oct 2002
    Posts
    21,250
    #13
    pati ba sa mga postpaid lines nagpapadala din sila? i remember meron akong nareceive na MMS from a 3 or 4 digit number, hindi ko na nacheck kung na-charge ako dun or not.
    Signature

  4. Join Date
    Feb 2005
    Posts
    3,299
    #14
    Had the same problem before. Nag-punta ako sa Smart service center, tapos ginyera ka sila. They got my message: hindi na nila ako pinapadalhan.

    Korek kayo, raket ng Smart ito. Kahit yung caller ring tunes, kesyo nai-set mo na 'wag i-renew, nire-renew pa rin nila. In fairness to the people behind the *888 receiving line, dehins pa nila ako binibitin or na-hang-up ng phone.

  5. Join Date
    Oct 2002
    Posts
    10,820
    #15
    saka sa smart daya sa load pag nag-text ka sa chikka. isa lang i-send ng misis ko or ng brother ko dami dumadating na text, paulit-ulit. kaya 1 text message lang na-send pero send nila 10 times, e di 10 na text messages na yun agad. bigla na lang dami messages na mag-appear sa chikka text window, parepareho naman laman. kaya nagpalit sim misis ko saka brother eh. kaka-load pa lang nila ubos na agad pag nag-text sa akin sa chikka. sa globe naman wala problema maliban sa minsan tagal bago dumating ang text. paminsan-minsan lang naman.

    sister ko tagal na ayaw sa smart. dati smart postpaid siya, dami lumalabas sa billing na di naman nya kilala ang number. kung 1k lang dapat bayaran nya umaabot ng 3k, everymonth yun. nagsawa ng kaka-reklamo sa smart every billing time kaya nag-smart prepaid. same story, yung P500 nya na load di man lang umabot ng 1 week, dami load nawawala. tinapon ang smart sim, nag-globe prepaid na lang ehehehehe!

    sino ba may-ari ng smart? magnanakaw!

  6. Join Date
    Feb 2005
    Posts
    3,299
    #16
    sister ko tagal na ayaw sa smart. dati smart postpaid siya, dami lumalabas sa billing na di naman nya kilala ang number. kung 1k lang dapat bayaran nya umaabot ng 3k, everymonth yun.
    Sa Smart kasi, kapag dehins mo dinemand na...i-convert (for the lack of a better term) yung postpaid account mo para huwag i-patong yung excess sa plan mo eh ipapatong nila yun, on top of the amount of your plan. Kailangan, pupunta ka pa sa customer service nila at i-inform sila tungkol dun.. Take me, as example. Plan 1200 ako. Before, nagtataka ako kung bakit pasok naman sa Plan 1200 yung nakukunsumo ko eh pinagbabayad ako ng almost 2T. Yun pala, may pinapatong sila na 800 sa account ko na dapat eh covered ng consumables ko. Kung hindi pa ako nagreklamo, eh baka 2T pa rin ang binabayarn ko ngayon.

    Siguro kaya malakas silang mag-patong eh para pang-sweldo dun sa mga Fil-Ams nila sa basketball tem. Balita ko from an insider eh medyo high maintenance daw yung Fil-Sham nila. Of course, I don't believe it because the info is based on hearsay.

  7. Join Date
    Oct 2002
    Posts
    13,415
    #17
    PM mo si Silver_corolla, naayos nya yung akin.

  8. Join Date
    Feb 2005
    Posts
    132
    #18
    Funny, i never had that problem with Smart, and i have been a subscriber for 4 years. My siblings shifted to Smart because they were having the problems you guys mentioned with Globe.

    Strange.

  9. Join Date
    Oct 2002
    Posts
    14,822
    #19
    kaya pala bilyones ang net income ng smart.

  10. Join Date
    Oct 2004
    Posts
    746
    #20
    nirereklamo na nga ang smart dahil sa kanilang spam text. ang masama bawas pa ang load mo, asar talaga. sa globe walang ganito.

Page 2 of 4 FirstFirst 1234 LastLast
smart nagsesend ng ringtone, logo etc basta basta