6.5 years na ako globe postpaid subscriber... then nagkaroon sila ng Globe G2P, so nag-try ako last week (end of Feb yata), then nasa prepaid mode na ako.. so far so good ok naman at nung naubos na load ko eh okay lang para control mo nga gastos mo..
ang bill cut of ko is March 5, ang sabi sa Globe G2P FAQ mag-revert back ako automatically to POSTPAID mode.. so dapat naka postpaid mode na ako ng March 6 ... kaso hindi nag-automatic... nag-manual change ako by texting "G2P" to 2867 .. - Message FAILED .. pero naka-send pa ako ng txt message sa ibang tao.. sa 2867 lang talaga failed..
at dahil walang sense na ituloy ang prepaid mode sa start ng billing days... tumawag ako sa customer service - 211 or 7301000, ni-report ko na di ako maka-change back to POSTPAID mode .. ni-log nila yung call and expect ko daw na within 24hrs eh gagawan daw ng action.. naka-lipas na yung 24hrs eh naka PREPAID mode pa rin ako ....!*#$%^&*() ..
then, nung gabi march 7, tawag ulit ako sa globe customer service para i-follow-up.. naka-log naman daw yung complain ko nung march 6, so ginawa na daw nila urgent and sabi ay hintay ako ulit ng 24hrs and sila na daw mag-change from prepaid to postpaid..... naka-lipas na yung 24hrs eh naka PREPAID mode pa rin ako.... *#$%^&*(
march 8 na ngayon.. so ano gusto nila eh tatawag ako everyday para i-follow-up .. lintek na globe yan... Globe G2P sucks!!!!! . naka PREPAID mode pa rin ako hanggang ngayon (march 8 - 9pm)
Globe G2P is parang fake na PREPAID mode, you still have to pay your regular monthly bill kahit naka-prepaid ka.. so effective lang ang PREPAID mode once na-consume mo na yung plan mo... sa mga G-FLEX consumable plan, sa tingin ko eh okay ito dahil pwedeng ma-monitor ang UNBILLED charges...
pero sa ibang g-plans like G-TEXT or advantage, there's no way to know kung na-consume mo na yung free voice calls and free txt messages.., yung UNBILLED charges eh kasama yung ibang value added service and gprs.. so lugi pag nag-prepaid mode agad..
eto pa, bakit hindi nila gawin FULL PREPAID mode.. kahit naka prepaid mode ka na eh yung bill mo for other services like GPRS eh napupunta sa postpaid account.. pati nga yung globe tracker na 5 or 10php eh sa postpaid ko nag-reflect.. so parang kalokohan lang talaga itong PREPAID G2P..