Medyo off topic..
Ang saya ng work sa office today.. Sure kasi ako na light ang work dahil long weekend sa US, Father's Day at holiday pa sa Monday (Juneteenth).. Almost a month yung advance reservation ko ng billiards and Nintendo Switch for 8 hours.. Hindi nga ako nagkamali, half-day lang ang work at may basbas ng client na pwede na mag-early out if wala na gagawin..
Ending, walang may gusto mag-billiards..
Naglaro kami ng mga officemates ko ng Nintendo Switch sa office, pero mabilis nagkasawaan dahil Mario Kart lang meron..
Mabuti, naisipan ng isa na laruin namin yung substitute sa board/card game.. Web version ng "The Resistance".. Ang saya!! 5AM dapat uwian na kami pero 8AM na kami nagsi-uwian dahil sa paglalaro.. Yung isa, bibili na daw ng actual card game para mas masayang laruin.. Excited na sa next na pagpasok sa office..
After pandemic, ngayon ko lang uli naulit yung after work bonding with officemates.. Habang nagda-drive ako pauwi tumatawa ako mag-isa kapag naaalala ko yung mga eksena sa role-playing.. [emoji1787][emoji1787][emoji1787] May mga moments pa na sobrang tawa namin napapatayo pa kami sa kinauupuan namin tapos napapa-high-five..
Sa sobrang saya ko, hyper pa din ako.. Nakakawala ng antok..