meron tayong thread na "How many hours do you work in a week?"...
ilang oras ba dito kayo nasa harap ng PC/day at meron ba kayong nararamdaman na ill effects aside from eye strain... kasi halos maghapon akong nasa harap ng pc ngayong araw at medyo sumakit ang batok ko!
Pero eto sabi ng nanay at lola ko.
Bawal nakaupo sa computer ng matagal dahil...
Mamamatay ka! (Korean got killed due to epilepsy attack while playing counterstrike - nadyaryo di ba)
Mabubulag ka! (Chinese newspaper article)
Mabobobo ka! (No computers on while parents were studying, pero mas mataas grades nila daw sa akin - fine! di ako genius)
Magkakasakit ka! (Everytime may sipon/lagnat ako...reason...computer. As if di sila nagkakasakit)
One thing though, pag lagi ka naka-upo sa harap ng PC/TV at kumakain ka...tataba ka.