baka kaya nagyeyelo yan e kasi yung thermostat hindi na gumagana, o kaya naman hindi tama ang pagkaka-balik dun sa evaporator ng sensor ng thermostat. sabi nyo kasi nilinis nyo eh, so yun ang una pumasok sa isip ko (now that you said aircon ng bahay hehe!) kung hindi na gumagana thermostat magyeyelo nga yan. wala yan problem sa freon charge kasi nagyeyelo. problema nyan nasa thermostat. kung hindi nabali yung sensor sa paglinis nyo, baka yung control na mismo ang sira.
another possibility e kung barado pa rin ang evaporator fins. ano ba ginamit nyo panglinis? dapat pressure washer. di kaya ng brush yan. dala nyo sa car wash, palinis nyo ng pressure washer.