plus 10 dun sa aircon with electric fan. nakakatulong din yung wind chill effect para di mo na kelangan ibaba pa ang thermostat. like instead na 22-24deg ka, pwedeng 26deg na lang. mas konti current draw nung fan kesa always on yung aircon mo just to maintain the lower temp.

also learn to use your tv's sleep timer. kadalasan ginagawa nating pampaantok ang manuod ng tv, hanggang sa makatulugan na nga. so kung nakatulog ka ng 1am at nagising ka ng 7am... that's 6hrs na umaandar tv mo for nothing.

yung ref, tingnan mo the lowest that you can set the thermostat and still get good cooling. malamig pa rin ang tubig at nakakapag-yelo pa rin. nasasayang lang din kung laging nakatodo.so huwag din punuin ng sobra-sobra ang ref na good for two weeks na, lalo na kung malapit ka lang naman sa grocery o sa palengke.

buti nga ngayon, kadalasan eh laptop na lang... so less power draw than desktops. mga desktops din naka-flat panel na so again, less draw than the tube type monitors of yesterday. aaahhh.... i feel old.